Marcos, mas prayoridad ang ayuda kaysa suspindihin ang oil excise tax
MANILA, Philippines — Mas bibigyang prayoridad ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibigay ng ayuda kaysa sa suspendehin ang excise tax sa langis na panawagan ng maraming sektor.
Sa press briefing kamakalawa sa kanyang headquarters sa Mandaluyong, sinabi ni Marcos na mas pipiliin niya ang ibang solusyon sa problema sa pamamagitan nang pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan.
“I prefer to handle the problem on the other side of the equation and provide assistance to those who are in need,” ani Marcos.
Tinawag din ni Marcos na blanket solution ang panawagan na suspindihin ang tax sa langis na posible aniyang hindi naman makakatulong sa mga nangangailangan.
“Ang aking iniisip kung sino ‘yung agad tinamaan, lumabas, ang transport, i-focus natin sa kanila, ‘yung mga nangangailangan talaga; those whose livelihoods are in danger because of the increase in oil [prices], ‘yun ang dapat tayo mag-focus. ‘Yung may kaya, they can afford to pay the VAT,”ani Marcos.
- Latest