Ex-PCGG acting chair, bagong Spokesman ni Sara

In this June 19, 2022, Vice President-elect Sara Duterte-Carpio delivers her inaugural speech in Davao City.
Screenshot via PTV

MANILA, Philippines — Ang dating Commissioner at acting Chairman ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) na si Atty. Rey­nold Munsayac ang napili bilang bagong tagapagsalita ni incoming Vice President Sara Duterte-Carpio, simula kahapon.

Papalitan ni Munsayac si Liloan, Cebu Mayor Esperanza Christina Frasco, na itinalaga naman ni incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., bilang susunod na kalihim ng Department of Tourism (DOT).

Nabatid na sina Munsayac at Duterte-Carpio ay naging magkaklase sa law school sa San Sebastian College of Law. Si Munsayac ay nagtapos bilang class valedictorian noong 2005.

Noong 2016, itinalaga si Munsayac bilang commissioner at acting chairman ng PCGG.

Nanatili siya sa natu­rang puwesto hanggang sa magbitiw noong 2021 upang tumulong sa kampanya ni Duterte-Carpio.

Si Munsayac din ang nagsumite ng certificate of candidacy (COC) ni Duterte-Carpio sa pagka-bise president noong Nobyembre 2021.

Samantala, pinasalamatan din ni Duterte-Carpio si Frasco sa malaking tulong nito sa kanya bilang kanyang tagapagsalita.— Joy Cantos

Show comments