Inday Sara, pangarap maging doktor
MANILA, Philippines — Nag-abogado para magserbisyo Inamin ni Vice President Sara Duterte na pangarap niyang maging doktor subalit hindi ito natupad.
Sa kanyang inaugural speech, sinabi nito na naintindihan niya kung bakit siya naging abogado. Ito ay para makatulong sa mas nakakarami.
Ayon kay Duterte, nang mangako siyang paglilingkuran ang publiko, determinado rin siya na tapusin ang kanyang tatlong termino upang mas paglingkuran ang mga mahihirap.
Subalit hindi na ito mangyayari dahil siya na ngayon ay Vice President na ng bansa.
Bilang bahagi ng kanyang sinumpaang tungkulin, sisikapin niyang maibigay ang serbisyo at tulong na nararapat sa 32.2 milyong Pilipino.
Sinabi ni Duterte na may Diyos na magdadala sa bawat isa sa tamang landas upang paglingkuran at iligtas ang kapwa Pilipino.
“There is a God. A God whose will transcends the desires of our hearts, one whose will directs us to the way that we might not have imagined — but a way that consecrates ourselves every day to help our fellowmen overcome the difficulties they face in their lives, to change lives, to save lives”,ani Duterte.
- Latest