^

Bansa

Marcoleta balik-Kongreso

Joy Cantos, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Marcoleta balik-Kongreso

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Commission on Elections na umatras na sa kanilang nominasyon sa Sagip Partylist ang apat nitong nominees na nagbigay-daan kay Rep. Rodante Marcoleta na mapanatili ang kanyang pwesto bilang 2nd nominee ng grupo.

Inanunsyo nitong Biyernes ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco na pinayagan nila ang Withdrawal of Nomination nina Erlinda Santiago, Kristine Angela Redoble, Fenicris Santos at Emelinda San Antonio, bilang 2nd hanggang 5th nominees.

Matatandaang umatras si Marcoleta sa kanyang senatorial bid noong May 2022 elections at ngayon ay muling manunungkulan bilang kongresista makaraang makakuha ng dalawang pwesto ang Sagip Party­list.

Nananatili naman si Caroline Tanchay bilang first nominee at magi­ging kinatawan rin nito sa Kongreso.

Si Marcoleta ay kabilang sa 12 kandidatong senador ng UniTeam ng BBM-Sara pero umatras dahil sa mahinang ranking sa mga survey.

Una rito, inihayag ni incoming Communications Secretary Trixie Angeles na ikinokonsidera ni Marcos na italaga si Marcoleta bilang susunod na Energy Secretary.

Si Marcoleta ay isa sa humarang na ma­bigyan ng 25 pang taong ­karagdagang prangkisa ang ABS-CBN.

COMELEC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with