MANILA, Philippines — Umapela ang isang telecom company sa National Telecommunicaton Commission dahil sa naantalang pagbibigay sa kanila ng frequency.
Ayon sa NOW Telecoms, sa kabila na nakapagsumite na sila ng kumpletong requirements ay hindi pa rin sila mabigyan ng provisionary authority.
Matatandaan na ang aplikasyon ng NOW Telecom para sa pagtatalaga dito ng mga frequency ay inaprubahan ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) noong Marso 1, 2021 sa pamamagitan ng isang Resolution at Order of Automatic Approval.
Nakasaad na ang aplikasyon ng NOW Telecom para sa Provisional Authority “to operate in the frequency range 1970 Mhz to 1980 Mhz paired with 2160 Mhz to 2170 Mhz and 3.6 Mhz to 3.8 Ghz” ay kumpleto at aprubado na sa ilalim ng batas.
Nasa Court of Appeals na ang usapin at umaasa ang kumpanya na didinggin at mauunawaan ng CA na ang ginawa ng ARTA na aprubahan ang aplikasyon ng NOW Telecom ay naaayon sa itinakda ng batas.