MANILA, Philippines — Sanhi ng masasamang gawain na nakapagpababa ng 38% sa sustansya ng lupa, isinusulong ni Sen. Cynthia A. Villar ang composting at paggamit ng organic fertlizer upang pangalagaan ito.
Sa kanyang video message sa 71st anniversary ng Bureau of Soils and Waste Management (BSWM), binigyan diin ni Villar ang paggawa ng organic fertilizer mula sa agricultural residues gaya ng tangkay ng palay at mais, dumi ng mga hayop, at iba pang bagay na maaaring ipalit sa inorganic/synthetic o chemical fertilizers.
Ipinahayag ni Villar na puwedeng manggaling ang biodegradable wastes sa kusina at hardin ng ating bahay.
“We only need to collect and convert them into organic fertilizers or compost which can be used by our farmers most especially now that fertlizers are very expensive, and sometimes, they are not available for our farmers,” paliwanag niya.
Sinabi pa ng senador, chairperson din ng Senate committee on environment and natural resources, na personal niyang ipinatayo ang 117 composting facilities sa buong kapuluan. Matatagpuan ang 67 sa mga ito sa kanyang bayan sa Las Piñas samantalang ang may 50 pa ay nasa Vista Land Communities.
“Villar SIPAG is included in this advocacy. We are distributing for free our organic production to our farmers plantitos/plantitas across the country,” ani Villar.
Kanyang ipinahayag na sinimulan niya ang adbokasiyang ito noong 2002 upang makatulong na mabawasan ang basura at maghikayat sa paggamit ng biodegradable wastes para sa malusog na lupa.