Nora Aunor, 7 pa hinirang na National Artists
MANILA, Philippines — Inihayag ng Malacañang ang paghirang sa walong bagong National Artists ng bansa kabilang si Nora Aunor.
Ito’y sa bisa ng Proclamation no. 1390 base sa pinagsamang rekomendasyon ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at ng Cultural Center of the Philippines (CCP).
Si Aunor, na ang tunay na pangalan ay Nora Villamayor, ay tumanggap ng prestihiyosong karangalan para sa pelikula at broadcast arts, kasama ang screenwriter-novelist na si Ricardo “Ricky” Lee, at ang yumaong direktor ng pelikula na si Marilou Diaz Abaya.
Nahirang din sina Agnes Locsin para sa Sayaw, Salvacion Lim-Higgins para sa Disenyo (Fashion), Gemino Abad para sa Panitikan, Fides Cuyugan-Asensio para sa Musika, at Antonio “Tony” Mabesa para sa Teatro.
Ang Order of National Artist, na itinatag sa ilalim ng Proclamation no. 1001 na nilagdaan noong 1972 ang pinakamataas na pambansang pagkilala na ipinagkaloob sa mga Pilipinong gumawa ng natatanging kontribusyon sa pagpapaunlad ng sining at kultura ng bansa.
- Latest