MANILA, Philippines — Nakapagtala ng pagtaas ng "seismic activity" sa Bulkang Bulusan, dahilan para sabihin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na posible uli itong pumutok anumang oras.
Umabot sa 149 ang naitalang volcanic earthquakes doon sa nakaraang 24 oras ayon sa Phivolcs, Biyernes. Malaking pagtalon ito mula sa limang lindol isang araw bago ito.
BULKANG BULUSAN
Buod ng 24 oras na pagmamanman
10 Hunyo 2022 alas-5 ng umaga #BulusanVolcano
Filipino: https://t.co/OIoH3nZZNT
English: https://t.co/Ivim0OUCE3 pic.twitter.com/AFM4LUu0KQ— PHIVOLCS-DOST (@phivolcs_dost) June 10, 2022
"This is a notice of an increase in seismic activity at Bulusan Volcano," wika ng state volcanologists sa hiwalay na statement, Huwebes ng gabi.
"Most of these were weak and shallow events, but may indicate that a phreatic eruption could possibly occur within the next few hours."
Kasalukuyan pa ring nasa alert level 1 ang bulkan, matapos ang phreatic eruption nito na nangyari nitong Linggo lang. Kumalma ito noong mga nakaraang araw ngunit nag-aalboroto uli.
Umabot naman sa 824 tonelada kada araw ang ibinugang sulfur dioxide ng bulkan kahapon, bahagyang mas mababa kumpara sa 1,421 na naitala kahapon.
Meron din ngayong katamtamang pagsingaw ng plumes na aabot sa 100 metrong taas na siyang napapadpad sa hilagang-kanluran. Malakas ito kahapon habang namamaga pa rin ang bulkan.
Ipinagbabawal pa rin ng Phivolcs ang:
- pagpasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone at pagpasok nang walang pag-iingat sa 2-km extended danger zone sa gawing timog-silangan
- pagpapalipad ng anumang eroplano o aircraft malapit sa bunganga ng bulkan
Ilang residente na ang inilikas mula sa kalugaran ng bulkan maliban pa sa relief operations para sa mga naiiipit ng naturang krisis.