^

Bansa

Bulusan pwede uli sumabog 'sa susunod na mga oras'; 149 volcanic earthquakes naitala

James Relativo - Philstar.com
Bulusan pwede uli sumabog 'sa susunod na mga oras'; 149 volcanic earthquakes naitala
Smoke rises from Bulusan volcano (C) as seen from Sorsogon City, Sorsogon province on June 6, 2022. The volcano in the eastern Philippines spewed a huge, dark cloud on June 5, prompting evacuations from ash-covered towns while authorities warned of possible further eruptions.
AFP/Charism Sayat

MANILA, Philippines — Nakapagtala ng pagtaas ng "seismic activity" sa Bulkang Bulusan, dahilan para sabihin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na posible uli itong pumutok anumang oras.

Umabot sa 149 ang naitalang volcanic earthquakes doon sa nakaraang 24 oras ayon sa Phivolcs, Biyernes. Malaking pagtalon ito mula sa limang lindol isang araw bago ito.

"This is a notice of an increase in seismic activity at Bulusan Volcano," wika ng state volcanologists sa hiwalay na statement, Huwebes ng gabi.

"Most of these were weak and shallow events, but may indicate that a phreatic eruption could possibly occur within the next few hours."

Kasalukuyan pa ring nasa alert level 1 ang bulkan, matapos ang phreatic eruption nito na nangyari nitong Linggo lang. Kumalma ito noong mga nakaraang araw ngunit nag-aalboroto uli.

Umabot naman sa 824 tonelada kada araw ang ibinugang sulfur dioxide ng bulkan kahapon, bahagyang mas mababa kumpara sa 1,421 na naitala kahapon.

Meron din ngayong katamtamang pagsingaw ng plumes na aabot sa 100 metrong taas na siyang napapadpad sa hilagang-kanluran. Malakas ito kahapon habang namamaga pa rin ang bulkan.

Ipinagbabawal pa rin ng Phivolcs ang:

  • pagpasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone at pagpasok nang walang pag-iingat sa 2-km extended danger zone sa gawing timog-silangan
  • pagpapalipad ng anumang eroplano o aircraft malapit sa bunganga ng bulkan

Ilang residente na ang inilikas mula sa kalugaran ng bulkan maliban pa sa relief operations para sa mga naiiipit ng naturang krisis. 

BULUSAN

PHIVOLCS

SORSOGON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with