^

Bansa

P500 ayuda sa mahihirap ipapamahagi na

Angie dela Cruz, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
P500 ayuda sa mahihirap ipapamahagi na
Ayon kay DSWD spokesperson Irene Dumlao, inaayos na lamang nila ngayon ang mga kaukulang dokumento para maipamahagi na ang ayuda.
pna.gov.ph/DSWD

MANILA, Philippines — Ipamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang P500 subsidy sa mga mahihirap na pamilya bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa June 30.

Ayon kay DSWD spokesperson Irene Dumlao, inaayos na lamang nila ngayon ang mga kaukulang dokumento para maipamahagi na ang ayuda.

Nasa 12.4 milyong pamilya ang makatatanggap ng tulong.

Noon pang buwan ng Marso iniutos ni Pangulong Duterte na bigyang ayuda ang mga mahihirap na pa­milya para makaagapay sa pagtaas ng presyo ng bilihin dahil sa pagtaas ng presyo sa produktong petrolyo.

Sinabi pa ni Dumlao na ina-account na lamang ang mga mahihirap na pamilya na mayroon nang mga existing na cash cards para agad na mahatiran ng first tranche ng subsidy.

Una nang sinabi ng Department of Budget and Management na matatanggap ang P500 ayuda sa loob ng tatlong buwan lamang.

AYUDA

DSWD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad