MANILA, Philippines — Madadagdagan ng P1 ang babayarang pasahe sa jeep ng mga mananakay sa Metro Manila at mga karatig na rehiyon matapos gawaran ng "provisional" fake hike ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kasunod ng petisyon ng mga grupo ng tsuper.
Epektibo ito ngayong Huwebes, ika-9 ng Hunyo.
Nangyari ito matapos magpatupad ng isa na namang "big-time" oil price hike ngayong linggo sa porma ng dagdag na mahigit P6/litro sa diesel at P2/litro sa gasolina ang mga kumpanya ng langis.
JUST IN: Land Transportation Franchising and Regulatory Board approves provisional P1 peso fare hike for jeepneys in Metro Manila, Central Luzon, and Calabarzon. Minimum fare on public utility jeepneys now at P10 starting Thursday, June 9. @PhilstarNews pic.twitter.com/xzFd6uJKwW
— Franco Luna (@francoIuna) June 8, 2022
Sasaklawin ng naturang kautusan ang mga tradisyunal at "modernong" pampasaherong jeep sa Kamaynilaan, Central Luzon, Calabarzon at Mimaropa.
"There were several increases in fuel prices in recent weeks, further straining the viability of public transport operators to continue to ply their routes... the volatility of the fuel prices in the world market due to lower than expected supply has further increased the cost of oil," sabi ng LTFRB sa kautusan nito.
"While the Board recognizes the plight of the Filipino people every time an increase on price of commodities occur, including the cost of public transport, it cannot be insensitive to the clamor and plight of PUV operators and drivers who are responsible in ensuring a steady supply of public transport services."
Una nang ipinagkait ng board ang kahalintulad na petisyon para sa pansamantalang umento sa pamasahe.
Pagpupulungan pa naman ng ahensya ang pangunahing hiling ng mga grupo para sa P5 dagdag pasahe.
"We had to address immediately the 6.50 fuel price increase yesterday (June 7) that's why the board met today to resolve immediately the motion for recon for the provisional increase," ani LTFRB executive director Tina Cassion.
"It is noteworthy that the PUJ service, to which mode of public transport the petitioners belong, carries the most number of ordinary commuters on a daily basis," dagdag pa ng LTFRB.
Kasama sa mga humihiling ng dagdag pasahe ang 1-United Transport Koalisyon, Pangkalahatang Sanggunian Manila & Suburbs Drivers Association Nationwide o Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines at Alliance of Concerned Transport Organizations.
Kasalukuyang nagkakaroon ng krisis sa transportasyon sa haba ng pila ng mga pasahero makasakay lamang habang namromroblema ang maraming tsuper. Mula sa P400 kada araw na kita noon, sinasabing nasa P150 na lang ang naiuuwi nila dahil sa taas ng presyo ng langis at aberya sa libreng pasakay ng gobyerno. — James Relativo at may mga ulat mula kay Franco Luna