P20 kilo ng bigas ‘di pa puwede – DA
MANILA, Philippines — Wala pang dahilan upang maibaba sa P20 ang kada kilo ng bigas sa ngayon.
Ayon kay Agriculture (DA) Secretary William Dar, dahil sa giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia at ang production cost ng palay ay P11.50 kada kilo, mataas naman ang halaga ng abono at gastos sa gasolina at palay production cost ng P14.80 per kilo.
“Now, ang farmgate price natin naman, ‘yung bibilhin mo ng palay, at 14 percent moisture content, ay P19 ang present na farmgate price.So titingnan natin ‘yun kung kaya ba ng P20 ang kilo ng bigas. With this data, it’s not yet possible,” sabi ni Secretary Dar.
Upang makopo anya ito, dapat ay maibaba ang production cost.
Halimbawa anya sa Thailand, ang halaga ng palay production ay P8 per kilo na mas mababa sa P6 kilo ng Vietnam.
“Gusto kong idagdag na ‘yung aspiration ng ating president-elect [Bongbong Marcos] ay magandang pangitain ‘yan na lahat ng magawa natin, i-planong maigi how we can achieve that level of price for rice na P20,” dagdag ni Dar.
Anya, maibaba lamang ang presyo ng kada kilo ng bigas sa ating bansa kung bababa ang halaga ng palay production.
- Latest