‘No SOCE, no oath-taking’ – DILG
MANILA, Philippines — Deadline hanggang ngayon na lang Hindi papayagang manumpa sa tungkulin ang mga newly-elected official (NEO) hangga’t hindi pa sila nakakapagsumite ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) sa Comelec.
“It’s plain and simple: No SOCE, no oath taking for NEOs. We encourage our NEOs to start their term right by complying with the provisions of the law and submitting their SOCE to the Commission on Elections (Comelec) on or before June 8, 2022,” ayon kay DILG Secretary Eduardo Año kasabay ng muling paalala sa mga bagong halal na opisyal na huwag kalimutang maghain ng kanilang SOCE hanggang ngayong Miyerkules, Hunyo 8, 2022.
Ito’y upang maiwasan aniya na maantala ang pag-upo ng mga ito sa puwesto.
Matatandaang kailangang iulat ng mga kandidato sa kanilang SOCE ang cash at in-kind contributions na natanggap nila mula sa political party at iba pang sources, gayundin ang kanilang mga ginastos sa kampanya.
“Sana po ay simulan ninyo ng tama ang inyong mga termino. Comply with your legal obligation as enshrined in our Constitution,” paalala pa ni Año.
Una nang sinabi ng Comelec na may katapat na parusa ang hindi paghahain ng SOCE, isang buwan matapos ang halalan.
Anang Comelec, manalo man o matalo, o kahit nag-withdraw pa ng kandidatura ang isang kandidato, ay kailangan pa rin niyang maghain ng SOCE sa komisyon.
- Latest