^

Bansa

Inagurasyon ni Sara sa Davao sa Hunyo 19, bukas sa publiko

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Inagurasyon ni Sara sa Davao sa Hunyo 19, bukas sa publiko
Bongbong Marcos and Sara Duterte faces a 140,000-strong crowd in General Trias Cavite, on March 22.
Philstar.com/EC Toledo

MANILA, Philippines — Bukas sa publiko ang inagurasyon ni Vice President–elect Sara Duterte-Carpio sa Davao City sa Hunyo 19 na nakatakdang manumpa kay Supreme Court Justice Ramon Paul Hernando.

Ayon sa mga staff ni Inday Sara, isasagawa ang inagurasyon sa San Pedro Square na magsisimula alas-4:30 ng hapon pero ang gates ay bubuksan na sa publiko alas-2 pa lang ng hapon.

Nasa 40 entertainment artist din ang naimbitahan para magdaos ng music concert.

Magkakaloob din ng libreng sakay sa mga nais dumalo sa inagurasyon ng presidential daughter.

Kaugnay nito, hinikayat naman ng mga organizers ang publiko na obserbahan ang COVID health protocols dahil nagpapatuloy pa ang pandemya.

Ipatutupad rin ang paghihigpit ng seguridad kung saan magkakaroon ng security screening sa lahat ng mga entry points, hindi pahihintulutan ang pagdadala ng backpacks at pagsusuot ng jackers.

Ang paggamit ng mga drones sa okasyon ay ipinagbabawal maliban sa mga naisyuhan ng security clearance ng Presidential Security Command Center (PSCC).

Bawal ang pagdadala ng mga matutulis na bagay kabilang ang mga sticks, umbrella at iba pa. Ang mga PWDS, senior citizen at mga buntis ay may nakahiwalay na lugar sa nasabing event upang hindi gaanong mahirapan.

Ang mga sidewalks vendors ay may naka­talagang lugar habang ang tubig at meryenda ay libre sa nasabing okasyon.

Magkakaroon din ng oportunidad para sa selfie photo kay Sara na gaganapin sa Quezon Park sa harapan ng Davao City hall ng alas-8 ng gabi.

Nabatid na ang Filipiniana ni Sara ay gawa ni Davao designer Silverio Anglacer.

Idinagdag pa rito na ang mga news organizations ay kailangang magpa-accredit sa Inau­gural media team ng Vice President elect.

vuukle comment

SARA DUTERTE-CARPIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with