^

Bansa

Erwin Tulfo magbibitiw bilang DSWD chief 'in 6 months' kung olats magtrabaho

James Relativo - Philstar.com
Erwin Tulfo magbibitiw bilang DSWD chief 'in 6 months' kung olats magtrabaho
Makikitang kasama ni incoming Social Welfare Sec. Erwin Tulfo (gitna) si president-elect Ferdinand Marcos Jr. (kaliwa) at ilang nominado ng ACT-CIS party-list sa Sorsogon City
Mula sa Facebook page ni Erwin Tulfo

MANILA, Philippines — Binigyan agad ng taning ng broadcaster at incoming Social Welfare Secretary Erwin Tulfo ang kanyang karera sa gobyerno kung sakaling hindi makapaglingkod nang maayos — anim na buwan hanggang isang taon.

Lunes lang nang ianunsyo ni Press Secretary-designate Trixie Cruz-Angeles na ninomina ni president-elect Ferdinand Marcos Jr. si Tulfo bilang susunod na kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

"It is a challenge... Kaya kong patunayan na I can do something about it because I've been in this work [public service] for the past several years," wika ni Tulfo sa panayam ng CNN Philippines, Martes.

"Ang hingi ko lang... sa mga nagdududa... [at nagsasabing], 'Broadcaster 'yan, etc., etc., walang alam. Binigay lang sa kanya [ni Marcos 'yung pwesto] bilang pasasalamat,' please give me six months to one year to deliver."

Kilalang news anchor, komentarista sa radyo at host ng public service shows sa ABS-CBN, TV5, Radyo Singko at PTV4 si Erwin sa mga palatuntunan gaya ng "Hoy Gising!" "Magandang Gabi, Bayan," "Aksyon," "Bitag" at "T3: Reload."

Kasalukuyang chairperson ng Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support Partylist (ACT-CIS) si Tulfo, na siyang nakakuha ng tatlong seats.

Ayon kay Erwin, na kapatid ng kapwa broadcaster at senator-elect Raffy Tulfo, malaki ang karanasan niya sa larangan ng serbisyo publiko para tiyaking makararating ang ayuda't mga benepisyo sa publiko sa pinakamabilis na panahon.

Kabahagi ang DSWD sa pagbibigay ng tulong tuwing may kalamidad gaya ng bagyo, lindol habang itinataguyod ang social development. 

"'Pag hindi ako naka-deliver, hindi ko naibigay o natupad 'yung mga sinabi ko na ayuda in less than 24 hours after calamity, after  sunog, then I will step down," sabi niya pa.

"Sa May 31, 2023, if I haven't delivered and kept my promise, then I will step down, I promise."

Matatandaang nagbitiw ng kahalintulad na pangako si Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 nang sabihin niyang magre-resign siya sa pagkapresidente kung hindi masusugpo ang droga at kriminalidad sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan

May droga at krimen pa rin sa Pilipinas at aabot na sa anim na taon ang termino ni Digong, na siyang magtatapos sa ika-31 ng Hunyo. Papalitan siya ni Bongbong.

BONGBONG MARCOS

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

ERWIN TULFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with