^

Bansa

Face-to-face classes, aarangkada na sa Hunyo

Pilipino Star Ngayon
Face-to-face classes, aarangkada na sa Hunyo
Naghintay muna ang mga estudyante sa panghapon sa labas ng President Corazon Aquino Elementary School sa Batasan, Quezon City hanggat hindi natatapos ang mga mag-aaral sa pang-umaga. Sa Hunyo 2022 ay inaasahan ng DepEd na lahat ng paaralan sa bansa ay magpapatupad na ng face-to-face classes.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Inaasahan ng Depart­ment of Education (DepEd) na pagsapit ng Hunyo 2022, ang lahat ng paaralan sa bansa ay nagdaraos na ng face-to-face classes, sa kabila ng nananatiling banta ng COVID-19 pandemic.

Sa Laging Handa public briefing nitong Lunes, sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones na ang mga regional offices ay bubuo ng iba’t ibang pamamaraan, base sa assessment ng Department of Health (DOH) at mga local governments sa kanilang lugar.

“By June, which is already a few days away from now, sa next academic school year, ini-expect natin na fully 100% na talaga ‘yung pag-implement natin ng face-to-face classes,” ayon kay Briones.

Hanggang nitong Mayo 26, mahigit 34,000 o 73% na ng mga public schools ay handa sa face-to-face classes.

Pinayuhan na rin aniya ng DepEd ang mga private schools na mag-face-to-face classes na rin.

Samantala, sinabi naman ni DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio na hinihikayat na ng DepEd sa ngayon ang lahat ng paaralan na mag-face-to-face classes na, na may limitadong bilang ng mga araw ng in-person meetings.

Ayon kay San Antonio, tinitingnan nila ang posibilidad ng pagkakaroon ng blended learning, na may ilang araw na face-to-face classes at may araw na papayagang sa bahay pa rin mag-aral at matuto ang mga bata.

Isusulong aniya ng DepEd ang naturang setup kung pahihintulutan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Di­seases ang ilang araw sa isang linggo para sa face-to-face classes.

Tiniyak naman ni DepEd Undersecretary Revsee Escobedo na ikukonsidera pa rin nila ang pag-sang-ayon ng mga local government units (LGUs) at mga magulang sa pagdaraos ng in-person classes upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante.

May ilang paaralan naman aniya ang humihiling na pahintulutan na rin ang mas marami pang grade levels at mga estudyante na lumahok sa face-to-face classes.

FACE TO FACE CLASS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with