4 pa sa gabinete ni BBM, inihayag
MANILA, Philippines — Lima pang miyembro ng gabinete ni President- elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pinangalanan kabilang dito ang broadcaster na si Erwin Tulfo na magsisilbing kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Bukod kay Tulfo, itinalaga rin sina Amenah Pangandaman bilang kalihim ng Department of Budget and Management (DBM), Ma. Christina Frasco sa Department of Tourism (DOT), Ivan John Enrile Uy sa Department of Information and Communications (DICT) at Naida Angping sa Presidential Management Staff (PMS).
Si Tulfo na kasalukuyang broadcaster sa government media na People’s Television Network ay nagpasalamat kay Marcos Jr., dahil sa pagtitiwala sa kanya.
“Alam ko na maraming trabaho ang naghihintay sa DSWD. Ang tanging maipapangako ko lamang ay sisikapin ko na matugunan ang mga pangangailangan ng ating mga kababayang mahihirap at nangangailangan,” pahayag pa ni Tulfo.
Habang si Frasco naman ay nahalal kamakailan bilang Alkalde ng Liloan sa isang bayan sa Cebu at anak ni Cebu governor Gwendolyn Garcia na sumuporta sa kandidatura ni Marcos at kanyang partido na One Cebu.
Si Frasco rin ang nagsibling spokesperson ni Marcos at kanyang running mate na si Vice President elect Inday Sara-Duterte.
Habang si Pangandaman ay dating nagsilbi na assistant secretary ng DBM at dati rin Chief of Staff ni dating Senate president Edgardo Angara,samantalang si Angping ay dating kongresista sa ika-tatlong distrito ng Maynila at miyembro rin ng transition team ni Marcos Jr.