^

Bansa

DepEd ine-expect '100% face-to-face classes' sa susunod na school year

James Relativo - Philstar.com
DepEd ine-expect '100% face-to-face classes' sa susunod na school year
Litrato ng mga batang nakasuot ng face masks habang nasa loob ng eskwelahan
Philstar.com / Gladys Cruz

MANILA, Philippines — Inaasahan ng Department of Education (DepEd) na makababalik na "nang buong-buo" ang harapang mga klase sa susunod na school year — gayunpaman, depende pa rin daw ito sa sitwasyon ng mga pasilidad ng mga paaralan sa ngayon.

Matatandaang 2020 pa naantala ang karamihan sa face-to-face classes lalo na sa elementarya't hayskul matapos kumalat ang COVID-19 sa Pilipinas. Dahil dito, nauso ang online classes, bended learning at paggamit ng offline modules.

"By June, which is already a few days away from now, sa next academic school year, ine-expect natin na fully 100% na talaga ang pag-implement sa face-to-face [classes]," wika ni Education Secretary Leonor Briones, Lunes, sa Laging Handa briefing.

"Alam naman natin lahat na binabalik na natin ang face-to-face classes, at kami ay nakikinig sa advice ng Department of Health, opinion ng mga local governments at tska kinukulsulta rin natin ang mga parents."

Biyernes lang nang sabihin ng Deparment of Health (DOH) na malaki ang benepisyo ng face-to-face classes sa kabuuang kalusugan ng mga bata para ma-develop ang kanilang cognitive at social skills.

Bukod pa rito, malaki raw ang naitutulong nito sa physical at mental being ng mga chikiting batay sa mga pag-aaral. Sa kabila nito, mas makatutulong ang pagpapabakuna laban sa COVID-19 ng mga guro, estudyante atbp. kawani para maiwasan ang pagkalat ng sakit.

As of May 26, aabot na sa 34,238 na ang na-nominate para sa face-to-face classes. 33,000 rito ay mga pampublikong paaralan habang 1,174 naman daw dito ay mga pribadong eskwela.

"This is already 73.28% of total number of public schools. Basta may clearance galing sa [DOH] at tska tingin namin pumapayag naman ang mga local governments at may consent ng mga parents, talagang tinutuloy na natin ang face-to-face classes," sabi pa ni Briones, na siyang papalitan ni vice president-elect Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

"Pero gusto ko lang i-emphasize na ang pag-approach natin dito sa face-to-face magkaiba sa mga iba't ibang eskwelahan. Kasi depende sa sitwasyon nila, depende sa state of health at tska sa assessment ng [DOH]."

Mayo lang nang madismaya ang DepEd dahil 5.47% pa lang ng mga pribadong paaralaan ang nagsasagawa ng face-to-face classes noon. Noong panahong 'yon, 25,668 public schools na ang may harapang klase.

Biyernes lang nang tanggalin ng pandemic task force ng gobyerno ang rekisitos sa mga college students ang pagkakaroon ng medical insurance para makalahok sa F2F classes.

Paglilinaw sa 'blended learning'

Bagama't ine-expect ng DepEd na babalik na ang 100% face-to-face classes sa susunod na academic year, inilinaw naman nilang depende pa rin ito sa sitwasyon lalo na sa regional level.

"Ang ibig po nating sabihin natin ang lahat ng paaralan [sa expected 100%] ay hinihikayat na po natin ang lahat ng paaralan na magsagawa ng face-to-face classes," ani Education Undersecretary Diosdado San Antonio sa parehong programa.

"Tinitignan po namin na blended, may face-to-face na mga araw at may araw na papayagan na nasa mga bahay pa rin natututo ang mga bata."

Inaantay na lang daw ng Kagawaran ng Edukasyon oras na sabihin ng nter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na ang lahat ng paaralan ay magkaroon ng face-to-face classes, kahit ilang araw lang kada linggo.

Sa huling taya ng DOH, aabot na sa 3.69 milyon na ang nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas, bagay na nadagdagan lang ng 200 nitong Linggo. Sa bilang na 'yan, 60,455 na ang namamatay.

CHILDREN

DEPARTMENT OF EDUCATION

LEONOR BRIONES

NOVEL CORONAVIRUS

SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with