MANILA, Philippines — Sapat ang suplay ng patatas sa ating bansa, pagtitiyak ng Department of Agriculture.
Tanging ang patatas lamang na ginagawang french fries ng mga food chain ang apektado ng global shortage sa naturang produkto.
“Only potatoes for French fries affected by global shortage, local supply sufficient,” ayon sa DA.
“As far as the Department of Agriculture is concerned, our local potatoes, which unfortunately are not the variety na ginagamit for French fries [used for french fries], ay tayo naman ay very very much sufficient. Actually, surplus pa nga tayo [Actually, we have a surplus],” pahayag ni Agriculture Undersecretary Kristine Evangelista.
Niliwanag ni Evangelista na ang patatas na ani sa Pilipinas o kilalang “table potato,” na nabibili sa mga palengke at pamilihan ay may kakaibang texture kumpara sa variety ng patatas na ginagawang french fries.