^

Bansa

Agrikultura, enerhiya pasulungin vs ‘inflation’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dapat matagumpay na maisulong ng susunod na administrasiyon ang agrikultura at sariling yaman ng bansa, gaya ng enerhiya at mga mineral para malabanan ng Pilipinas ang tumitinding banta ng ‘inflation’ o pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Ito ang panukala ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda, chairman ng House Ways and Means Committee at isang kilalang ekonomista na nagbabalang patuloy na tataas ang mga presyo ng mga bilihin sa kasaluku­yang dekada at ito’y nangyayari sa buong mundo.

Ayon kay Salceda, pinag-aaralan na ng mga mambabatas na bahagi ng 19th Congress, kung paano nila tutugunan ang hamong ito ng patuloy na pagtaas ng ‘inflation’ sa sandaling magsimula na ang bagong administrasyon ng magiging Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa darating na Hunyo 30.

Sinabi ni Salceda na bagama’t hindi gaanong nabugbog ng ‘inflation’ ang Pilipinas nitong nakaraan gaya ng ibang bansa, “ang kasiraang nagawa nito ay magpapatuloy at inaasahang aabot sa 5% kada buwan ngayong dekada, na higit na mataas sa 3% sa nakaraang 10 taon.”

“Ang tanging paraan para mabalanse ito ay pataasin ang ating produksiyon para ang mga magsasaka at sektor ng paggawa ng produkto ay makinabang din sa mataas na presyo. Ito ang dahilan kung bakit ang lalong pagpapalago sa produksiyon ng agrikultura at enerhiya ay lubhang mahalaga sa susunod na mga pamunuan,” paliwanag niya.

JOEY SARTE SALCEDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with