Kongreso handa na sa canvassing ng President, VP

Nabatid na nakaka­tanggap na ng ballot boxes ang Senado na naglalaman ng Certificates of Canvass (COCs) at Election Returns (ERs) para sa pagkapangulo at pangalawang pangulo mula sa iba’t ibang panig ng bansa sa isinagawang national at local elections noong  Mayo 9.

Regular session bubuksan ngayon

MANILA, Philippines — Magpapatuloy nga­yong araw ang 3rd regular session ng 18th Congress kung saan kabilang dito ang  aaprubahang resolution na pinapayagan mag-convene ang Senate at House of Representatives bilang National Board of Canvassers (NBOC) simula bukas, Mayo 24.

Nabatid na nakaka­tanggap na ng ballot boxes ang Senado na naglalaman ng Certificates of Canvass (COCs) at Election Returns (ERs) para sa pagkapangulo at pangalawang pangulo mula sa iba’t ibang panig ng bansa sa isinagawang national at local elections noong  Mayo 9.

Sa ilalim ng Article 7, Section 4 ng Konstitus­yon, inaatasan ang Senado na tanggapin ang election returns ng President at Vise President matapos isagawa ang halalan.

Dadalhin naman ang mga ballot box sa Kongreso ngayong umaga.

Samantala, ang ilan pang tatalakayin sa session ay ang Senate Bill 2490 o pagpapaigting sa Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) na ngayon ay nasa third at final rea­ding.

Nakatakda ring apru­bahan ang SB 2450, na nagtatakda ng permanent validity ng birth, death at marriage certificates.

Inaasahan ding maipapasa ang SB 2484, Provincial Science and Technology Office Act; SB 2455 panukalang Creative Industries Charter of the Philippines; SB 2423 o panukalang Private Security Services Industry Act; at SB 2399 o Parent Effectiveness Service Program Act.

Show comments