MANILA, Philippines — Nagpaabot kahapon nang pakikiramay ang Malacañang sa mga naulila at mga nagmamahal kay Susan Roces, ina ni Sen. Grace Poe.
“We extend our deep condolences to the family, loved ones, close friends and colleagues on the passing of Jesusa Sonora Poe, more popularly known as Susan Roces,” pahayag na inilabas ni acting presidential spokesperson Martin Andanar.
Ayon sa Malacañang, isang malaking kawalan hindi lamang sa local entertainment industry kundi maging sa mga taong naging kabahagi ng buhay ang pagkawala ni Roces na kinikilalang Queen of Philippine Movies.
“Ms. Roces was the Queen of Philippine Movies and her death is truly a big loss not only to the local entertainment industry but to all the people whose lives the beloved icon had touched and affected,” nakasaad sa statement.
Sa huli ay nagpahatid ng dasal ang Malacañang para kay Roces at sa kanyang pamilya.
Samantala, balak hilingin ni senator-elect Raffy Tulfo kay Pangulong Rodrigo Duterte na ideklarang national day of mourning ang araw ng libing ni Roces.
Ayon kay Tulfo, ang kanyang asawa na si Jocelyn na isang kongresista, ay maghahain ng resolusyon sa susunod na linggo para kilalanin din si Roces bilang National Artist.