^

Bansa

Taas-presyo ng mga ­bilihin aprub ng DTI

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Taas-presyo ng mga ­bilihin aprub ng DTI
Sa Laging Handa public briefing ni DTI Undersecretary Ruth Castelo, inamin nito na marami silang kahilingan na natanggap na malalaki ang porsiyentong nais ipataw sa presyo ng mga bilihin.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Ipinako ng Department of Trade and Industry sa 10 porsiyento ang maximum o pinakamataas na dagdag sa presyo ng ilang pangunahing bilihin sa bansa.

Sa Laging Handa public briefing ni DTI Undersecretary Ruth Castelo, inamin nito na marami silang kahilingan na natanggap na malalaki ang porsiyentong nais ipataw sa presyo ng mga bilihin.

Pero ang pinakamalaki na inaprubahan ng DTI ay 10 porsiyento at mayroon ding dalawa, tatlo, at apat na porsiyento.

Nilinaw din ni Castelo na sa 212 produkto na nasa “shelf-keeping units” na nakalagay sa bulletin ng DTI, nasa 82 produkto lamang ang nagkaroon nang pagbabago sa ­presyo.

Kabilang aniya sa mga tumaas ang presyo ay ang mga inuming tubig na nakabote at naka-container; processed milk; instant noodles, kape at asin.

Aminado si Castelo na hindi mapipigilan ang paggalaw ng presyo ng bilihin dahil tumaas din ang ­presyo ng raw materials at ingredients sa paggawa.

DTI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with