^

Bansa

Sikip ng trapik posibleng 'lagpas' pre-pandemic level sa Hunyo — MMDA

Philstar.com
Sikip ng trapik posibleng 'lagpas' pre-pandemic level sa Hunyo — MMDA
Commuters wait for public utility buses along Commonwealth Avenue in Quezon City as the full implementation of the "no vaccine, no ride" policy begins on Monday, Jan. 17, 2021.
The STAR/Walter Bollozos, File

MANILA, Philippines — Inaasahan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na titindi pa nang husto ang trapik sa Kamaynilaan oras na magsimula ang face-to-face classes sa susunod na buwan — posibleng mas malala pa nga raw ito kumpara noong wala pang COVID-19.

"Bago po mag-eleksyon, nagpa-conduct po tayo ng volume count, ang number na po ng average ay 400,000 vehicles, yan po ay 5,000 short na lang noong pre-pandemic level na 405,000," ani MMDA chair Romando "Don" Artes, Huwebes, sa panayam ng TeleRadyo.

"Pero tandaan po natin, wala pa pong pasok, so kung magkakaroon po ng face-to-face classes ngayong Hunyo, ay expect po natin na mas marami pa at mabi-breach po yung 405,000 na pre-pandemic level."

Sa nakaraang dalawang taon ng pandemya, tinataya ng MMDA na nadagdagan ng mahigit-kumulang kalakating milyong sasakyan ang nadagdag sa mga kalsada. 

Dagdag pa niya, 60-70% raw nito ay pumapasok o nasa loob na ng Metro Manila. Pinag-iisipan na rin daw nina Artes ang panibagong number coding scheme para maibsan ang problema ng trapik.

Layon din daw nilang makipagpulong kay Civil Service Cmmission chief Karlo Nograles para tignan kung maaaring 7 a.m. na ang pagpapapasok sa mga empleyado ng gobyerno.

"Sa amin pong palagay, 2 po yung major na dapat gawin ng next administration. 'Yan po, unang-una yung pag-improve po ng mass transportation system, dahil po kung maayos or maganda yung ating mass transport, maiiwasan na po yung pagbili ng sasakyan na makakadagdag sa volume at sa traffic sa ating mga lansangan," saad niya pa.

"Pangalawa po siguro yung decentralization, siguro po may mga industriya o sektor na dapat ilipat na from Metro Manila sa mga karatig na probinsiya. Para po hindi lahat dito ay dito nagkukumpulan sa Metro Manila."

Noong height ng lockdowns, matatandaang hindi pinayagang bumiyahe ang mga pampublikong transportasyon gaya ng mga jeep, bus, tren atbp. dahil sa banta ng nakamamatay na COVID-19 virus. 

Sa kabila nito, pinapayagan na uli ang 100% capacity sa lahat ng pampublikong sasakyan sa Alert Level 1 areas habang kumakalma ang bilang ng bagong transmission. — James Relativo

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NOVEL CORONAVIRUS

TRAFFIC

TRANSPORTATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with