^

Bansa

Philippine flags, itinayo sa 4 isla ng West Philippine Sea

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Philippine flags, itinayo sa 4 isla ng West Philippine Sea
Itinayo ang mga buoys na may habang 30-talampakan sa mga isla ng Lawak, Likas, Parola at Pag-asa.
AFP / File

MANILA, Philippines — Limang ‘navigational buoys’ na may nakakabit na watawat ng Pilipinas ang itinayo ng Philippine Coast Guard (PCG) sa apat na kritikal na isla sa West Philippine Sea kahapon.

Itinayo ang mga buoys na may habang 30-talampakan sa mga isla ng Lawak, Likas, Parola at Pag-asa.

Kahapon, personal na pinangunahan ni PCG Commandant Admiral Artemio Abu ang pagdating ng limang PCG vessels na siyang nagsakay sa mga buoy at nagtayo ng mga ito sa naturang mga isla na isinagawa mula Mayo 12-14.

Sinabi ni Abu na ang naturang mga buoy ay magsisilbing “Symbols of Coastal State Administration” ng Pilipinas sa naturang mga bisinidad ng tubig.

Kabilang sa mga nagdala ng mga buoys ang BRP Corregidor (AE-891), BRP Bojeador (AE-46), BRP Suluan (MRRV-44-6), BRP Capones (MRRV-4407) at Tug Boat Habagat (TB-271).

Inamin ni Abu na hindi madaling maisagawa ang operasyon ngunit dahil sa pagtutulungan umano ng lahat ng opisyal ng PCG ay naging matagumpay ang paglalagay ng mga buoy bilang “sovereign markers”.

“Our sovereign markers that are now flashing lights at night to guide sailors as they traverse the treacherous waters of WPS,” saad ni Abu.

Magsisilbi rin ang mga ito na markers na maghahatid ng mensahe na ang katubigan malapit dito ay ikinukunsiderang “special protected zones” kaya ipinagbabawal ang anumang uri ng aktibidad ng pagmimina at eksplorasyon.

 

 

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with