MANILA, Philippines — Pwede nang makakuha ng karagdagang COVID-19 booster shots ang mga 60-anyos pataas at mga manggagawang pangkalusugan — partikular na ang mRNA vaccines gaya ng Moderna at Pfizer bilang dagdag proteksyon sa virus tulad ng bagong Omicron subvariant BA.2.12.1.
Dati kasi ay mga immunocompromised pa lang ang pinahihintulutang turukan ng ikalawang booster simula pa noong Abril. Ang nasabing second booster shots ay para pa lamang sa mga edad 18 pataas.
Related Stories
"This is the moment we have all been waiting for. After careful study and consideration of the best available evidence, we shall now roll out effective immediately the second booster for our frontline health workers and senior citizens," ani Health Undersecretary Myrna Cabotaje, Miyerkules, na siya ring chair ng National COVID-19 Vaccination Operations Center.
"This is part of how we fight back against the virus."
Sa ilalim ng guidelines na inilabas ng Department of Health, kinakailangang hindi bababa sa apat na buwan ang pagitan ng ikalawang booster shot sa nauna.
Ang booster shots ay ibinibigay upang muling pataasin ang imnmunity ng publiko sa COVID-19. Habang tumatagal, bumababa kasi ang bisa ng mga naunang bakunang natanggap ng isang tao.
"The second booster for our health workers and senior citizens will enhance protection given by the first booster and the primary series against all variants, including the recent Omicron subvariant BA.2.12.1. Against whatever variant there is out there, the second booster supports the 4-Door strategy," sabi naman ni Health Undersecretary Maria Rosario-Vergeire.
"It fortifies the defense of health workers and highly vulnerable seniors. Everyone eligible can get the second booster jab done at the LGU vaccination sites nearest you. They are safe, effective, and free of charge."
Ikakasa ang naturang programa para sa lahat ng eligible individuals sa buong bansa, pero nakadepende pa rin 'yan sa kahandaan ng mga Regional at Local Vaccination Operation Centers, implementing units, and vaccination sites.
Ang tanging kailangang dalhin ng mga nais makakuha ng nasabing bakuna ay ang vaccination card na nagpapakitang nakakuha na sila ng unang booster at isa pang valid government issued ID.
Aabot na sa 3.68 milyon ang nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas simula nang makapasok ito noong 2020, bagay na nagbunsod ng katakut-takot na lockdowns at epekto hindi lang sa kalusugan kundi pati ekonomiya.