^

Bansa

P25/kilong bigas? Panukala 2019 pa inihain ng Makabayan sa Kamara, pinaaaksyunan

James Relativo - Philstar.com
P25/kilong bigas? Panukala 2019 pa inihain ng Makabayan sa Kamara, pinaaaksyunan
Sa file photo na ito, makikitang nagbubuhat ng sako ng bigas ang isang lalaki
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Pinaaaksyunan ng Anakpawis party-list ang pagpapasa ng House Bill 477 ng Makabayan bloc, na layon ang "kongkretong" pag-stabilize sa farm gate prices ng palay at retail prices ng bigas sa P20-P25/kilo para sa kapakinabangan ng mga magsasaka.

Usap-usapan kasi ang campaign promise ni 2022 presumptive president Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na P20-P30/kilong bigas, bagay na "posible" raw magawa kung pag-aaralan ani Department of Trade and Industry Undersecretary Ruth Castelo.

Hulyo 2019 pa nang ihain ng Bayan Muna, Kabataan, ACT Teachers at Gabriela Women's Party-list ang HB 477, na siyang pending pa rin sa Committee on Agriculture and Food hanggang ngayon.

"We seriously urge the people to read about the RIDA, as liberation from the blabber of both Marcos Jr. and NEDA chief Karl Chua. Parehong walang alam ang mga ito sa tunay na kalagayan ng mga magsasaka sa bansa," sabi ni Ariel Casilao, national president ng Anakpawis party-list, Martes.

Sa ilalim ng RIDA bill, maglalaan ng P495 bilyong pondo sa loob ng tatlong taon para "kongkreto" ang pag-stabilize ng presyo at maabot ang food security:

  • rice production socialized credit program (P25 bilyon)
  • accelerated irrigation development program (P45 bilyon) at P20 bilyon para sa rehabilitasyon at repair
  • post-harvest facilities development program (P30 bilyon)
  • research and development and extension services program (P15 bilyon)
  • P310 bilyon para sa local procurement program ng National Food Authority (NFA)

Kung maisasabatas, uutusan din ng HB 477 ang NFA na bilhin sa P20/kilo ang palay sa magsasaka para mapanatili sa P25/kilo ang bigas. Ire-repeal ng panukala ang kontrobersyal na Rice Liberalization Law (R.A. 11203).

Kahit ipinapangako ni Marcos ang kahalintulad na bagay, iginigiit nina Casilao na "walang" komprehensibong pamamaraan ang nauna para magawa ito. Una nang sinabi ni Kilusang Magbubukid ng Pilipinas chairperson emeritus Rafael "Ka Paeng" Mariano na imposible ito kung ang umiiral na patakaran ay liberalisasyon at deregulasyon sa ilalim ng neoliberalismo.

Ani Mariano, magagawa ito kung mapapababa ang gastos sa pag-produce sa kilo ng palay sa P6-P8 gaya ng gingawa ng Thailand at Vietnam. Oras na magawa ito, may kikitain pa rin daw ang mga magsasaka kahit ibenta sa P16 ang palay. 

Dapat din daw magkaroon ng subsidyo sa binhi, abono atbp. habang pinananatiling "competitive" ang presyo ng palay sa bukid. Dapat din aniya palakasin ang lokal na produksyon.

'Liberalisasyon at presyo ng palay'

Kamakailan lang nang sabihin ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na "posible" ang P20 na bigas kahit hindi ibinabasura ang R.A. 11203. Sa kabila nito, dapat daw ay may mga "kondisyon" — kung hindi, makasasama raw ito.

Pinapayagan ng kasalukuyang RA 11203 ang pagpasok ng dayuhang bigas sa Pilipinas nang walang restriksyon, basta't magbabayad ng kaukulang taripa, bagay na lalo nagpapababa ng pagbili ng palay sa mga magsasaka ayon sa grupo.

"Fake news peddler itong si Chua. Sinabi niya rati sa mga hearing na bababa ng P25 kada kilo ang bigas, kapag naisabatas [ang RA 11203]. Alam na nating hindi ito nangyari," sabi pa ni Casilao.

"Ang principle of liberalization is non-state intervention at totally to let market forces operate... Ang dami-daming useless program ni Duterte na nagwawaldas ng taxpayers' money tulad ng NTF ELCAC pero hindi kinokontra ng NEDA, sa mahalagang industriya ng bigas, kinokontra pa nito ang public spending."

Nakikita ngayon ng United States Department of Agriculture ang patuloy na pag-iimport ng Pilipinas ng 3 milyong metric tons ng bigas sa 2023.

Huwebes lang nang sabihin ng Fitch Ratings na dapat mag-ingat si Bongbong sa ideya ng pag-amyenda sa Rice Liberalization Law sa pagpapababa ng presyo ng bigas sa dahilang "mapapababa nito ang kita ng gobyerno" sa gitna ng budget deficit at trilyun-trilyong utang.

Kasaysayan ng mga Marcos sa agri sector

Giit ng Anakpawis, malagim ang "legacy" ng rice industry sa ilalim ng ama ni Bongbong na si dating Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, partikular na ang Masagana 99.

Aniya, nagdulot lang ng paglalugi ang mga magsasaka ng palay dulot ng high-yielding varieties na dinisenyo ng International Rice Research Institute (IRRI) at agro-chemical inputs na minarket.

Napunta lang din aniya ang ipinautang ng World Bank sa "higanteng tubo" ng mga dayuhang monopolyo sa agro-chemical.

Sumirit din, sabi ni Casilao, ang poverty incidence sa pamilya ng mga pesante mula 33% (1971) patungong 73% (1983. Mula sa kalahating milyong magsasakang kayang makapagbayad ng utang noong 1974, bumagsak na lang ito sa 60,000 noong 1984.

2022 NATIONAL ELECTIONS

AGRICULTURE

ANAKPAWIS PARTY-LIST

BONGBONG MARCOS

MAKABAYAN BLOC

PALAY

RICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with