Amyenda sa Konsti pinauumpisahan na ni Duterte

MANILA, Philippines — “Ngayon na, umpisahan na!

Ito ang mensahe kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa papalit sa kanya sa Malacañang tungkol sa pag-amiyenda sa 1987 Constitution.

Ayon kay Duterte, dapat isulong na kaagad ng susunod na pangulo ng bansa ang pagbabago sa Konstitusyon sa ­sandaling maupo ito sa Hunyo 30, 2022.

Ipinunto ni Duterte na kung gagawin ang pagbabago sa Konstitusyon kapag patapos na ang termino nang uupong lider ay maaakusahan ito na nais lamang magpahaba ng termino.

Inihalimbawa ni Duterte ang nangyari sa kanya na naakusahan na gustong magpahaba ng termino.

Naniniwala si Duterte na panahon na para magkaroon nang pagbabago sa Konstitusyon kahit pa magbago sa federal ang porma ng gobyerno o hindi.

Umaasa rin si Duterte na isusulong nang kapalit niya ang tuluyang pagbasura ng party-list system.

Muling binanggit ni Duterte na nagiging legal fronts lamang ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang ilang grupo ng party-list.

“Ako, I recommend the abolition of itong party-list [system]. Ginagamit eh. Although they are a very -- a few, but still they participate in the government that they wish to destroy. Iyan ang nakakatawa diyan, pumapasok sila sa gobyerno, they participate in the governance process and yet they -- what they really want is to destroy that government at palitan nila ng kanila,” ani Duterte.

Show comments