^

Bansa

'Omaygad': Utang ng Pilipinas 63.5% na ng ekonomiya ng bansa

James Relativo - Philstar.com
'Omaygad': Utang ng Pilipinas 63.5% na ng ekonomiya ng bansa
A child stands next to campaign posters (L) on display in a slum area as he looks out at the other side of a river in Manila on May 4, 2022, ahead of the country's national elections on May 9.
AFP/Chaideer Mahyuddin

MANILA, Philippines — Kahit lumaki ang gross domestic product (GDP) ng Pilipinas noong unang tatlong buwan ng taon, 63.5% nito ay katumbas na ng kabuuang "national government outstanding debt," ayon sa pinakabagong datos ng Bureau of Treasury na inilabas ngayong Huwebes.

Ito'y kahit na hindi dapat lumampas ang debt-to-GDP ratio sa 60%, bagay na itinuturing na "internationally acceptable threshold."

 

 

Ang mababang debt-to-GDP ratio ay nangangahulugang kayang mabayaran ng isang bansa ang mga utang nito sa pamamagitan ng mga nililikha't ibinebentang goods and services nang hindi nagkakaroon ng panibagong utang.

Naitala ang 8.3% paglobo ng GDP ng bansa noong unang kwarto ng 2022, sa kabila ng pagkakaroon ng mahigit P12.68 trilyong utang mula sa domestic at foreign sources — ang pinakamalaki sa kasaysayan ng Pilipinas.

Ayon tuloy sa ilang dalubhasa, posibleng mauwi ang paparating na administrasyon ni presidential frontrunner Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa pagpapalaki ng buwis para mabayaran ang utang. Kung hindi, maaaring mawala raw ang paborable nitong credit scores.

Nangyayari ang lahat ng ito matapos maitala ang 3-year-high inflation rate na 4.9% year-on-year nitong Abril. Ang bilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin na 'yan ay lagpas-lagpas sa target ng gobyerno na 2-4%. Banta ito sa economic recovery ng bansa matapos ang COVID-19 lockdowns.

'Pagtaas ng GDP kaugnay ng election spending'

Bagama't welcome development daw ang 8.3% year-on-year GDP growth sa first quarter ng 2022, bagay na lagpas sa expectations, nakikita ng research group na IBON Foundation na primarya itong resulta ng election-related spending kaysa sa pagbubukas lang ng economiya.

"Growth is also weak and unsustainable considering the unfavorable jobs market," wika ng naturang non-profit economic think tank kanina.

"Under the Duterte administration, agriculture's share of the economy has fallen to the smallest in its entire history, while manufacturing’s share to its smallest in 70 years. Joblessness and poverty have also increased especially after the pandemic lockdowns."

Dagdag pa nila, kaya lang daw itong mabaliktad ng susunod na administrasyon kung bibitiwan nito ang "makitid" na kagustuhan ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa "abstract macro and fiscal prudence" kaysa palakasin ang lokal na production.

Pwede rin naman daw magkamal nang mas malaki at sustainable na kita mula sa buwis ang gobyerno kung hindi matatakot ang susunod na administrasyon na buwisan ang mga bilyonaryo.

Ayon naman kay Nicholas Mapa, senior economist at ING Bank sa Maynila, panahon na para kay Bongbong na ipaalam sa publiko ang kanyang policy direction at komposisyon ng kanyang posibleng economic team.

"Marcos will be inheriting an economy fully recovered from the pandemic but he will need to deal with above-target inflation and a sizable amount of debt from his predecessor," aniya. — may mga ulat mula kina Ramon Royandoyan at The STAR/Elijah Felice Rosales

BUREAU OF TREASURY

DEBT

ECONOMY

GROSS DOMESTIC PRODUCT

IBON FOUNDATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with