2022 Elections, pasado sa US

Voters in Tondo, Manila cast their votes at the Magat Salamat Elementary School on May 9, Wednesday. Presidential candidate Isko Moreno will be casting his vote at this precinct.
Philstar.com/Deejae Dumlao

MANILA, Philippines — Pinasalamatan kahapon ng Commission on Elections (Comelec) ang Estados Unidos sa pagbibigay ng obserbasyon nito na naging maayos at sumunod sa ‘international standards’ ang katatapos na National at Local Elections nitong Mayo 9.

Sinabi ni Comelec acting spokesperson Rex Laudiangco na nagpapakita lamang ito ng kredibilidad ng kabuuang proseso ng halalan.

Ito ay makaraang maglabas ng pahayag si US State Department spokesman Ned Price sa Washington na ang pagboto at pagbibilang nito ay naisagawa ng ayon sa umiiral na “international standards and without significant incident.”

“We really are thankful to that and that is the reason we engage and the law requires an international certification entity,” ayon kay Laudiangco.

Ipinunto ni Laudiangco na hindi lamang ang ‘hardware’ at ang ‘software’ ang pumasa sa panlasa ng internasyunal na observers, ngunit maging ang transmission at ginamit na transmission routers na lahat ay isinailalim sa testing at nasertipikahan.

“Chineck po lahat ito and this is different sa local source code and that is why the international ­observers are really satisfied with the elections we have been conducting,” paliwanag niya.

Sinabi naman ni Price na sa oras na opisyal nang maproklama ang susunod na pangulo ay palalakasin nila ang alyansa ng Estados Unidos at ng Pilipinas.

Show comments