^

Bansa

Kilos protesta ng natalong kandidato hindi pipigilin ng PNP

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Kilos protesta ng natalong kandidato hindi pipigilin ng PNP
Protesters surround the front of the Commission on Elections headquarters in Manila on May 10, 2022 as they denounce what they claim to be fraudulent elections that led to the runaway victory of former Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.
Philstar.com / Xave Gregorio

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Philippine National Police na hindi nila pipigilang magkilos protesta ang mga talunang kandidato.

Ang  paniniyak ay ginawa ni PNP chief Officer in Charge (OIC) Police Lt. General Vicente Danao Jr. kasabay ng natatanggap nilang ulat na mayroon nagbabalak na mag-rally ng mga tagasuporta ni Vice President Leni Robredo.

Aniya, karapatan naman umano ng kahit na sino ang magpahayag ng kanilang damdamin at hindi ito pipigilin ng kapulisan hanggat hindi nakakaabala sa daloy ng trapiko o gumawa ng anumang kaguluhan.

Nilinaw ni Danao na mahigpit lamang ang kanyang kautusan sa kanyang mga pulis na pairalin ang maximum tolerance para hindi magkagulo.

Parte nito ang paggalang sa mga nagkakasa ng kilos protesta. Samantala, umapela naman si Danao sa mga magkikilos protesta na huwag magdulot ng abala sa trapiko at huwag manira ng public property.

Maaaring magdaos ng mga aktibidad sa mga freedom park at handa naman ang PNP sa mga post election violence at mayroon na silang contingency plan para dito.

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with