^

Bansa

De Guzman tanggap nang talo, pero pinagpapaliwanag Comelec sa 'anomalya'

James Relativo - Philstar.com
De Guzman tanggap nang talo, pero pinagpapaliwanag Comelec sa 'anomalya'
Ka Leody De Guzman shows up to the crowd at the start of his miting de avance at the Quezon City Memorial Circle covered court on May 4, Wednesday.
Philstar.com/Deejae Dumlao

MANILA, Philippines — Tuluyan nang nag-"concede" sa 2022 presidential race ang lider manggagawang si Ka Leody de Guzman matapos makakuha ng mababang bilang ng boto — pero dapat daw ipaliwanag ng Commission on Elections (Comelec) ang ilang kapansin-pansing pattern sa partial and unofficial tally.

"Hindi ko naman ilalaban 'yung malayong boto ko. Hindi ko na ilalaban 'yun para makaabot ako," sambit ni Ka Leody sa panayam ng ABS-CBN News, Martes.

"Pero ako ay naniniwala na merong dapat ipaliwanag 'yung Comelec sa dami ng report ng mga irregularities. Sa dami ng reklamo ng mga tao. Mula doon sa ground, sa bilangan, transmittan, hanggang doon sa result na inilalabas ng Comelec."

Nangyayari ang lahat ng ito matapos maitala ang pagpalya nang libu-libong vote counting machines, bagay na nagpahaba nang husto sa pila ng botohan noong Lunes.

Boto ni Robredo laging 47% lang ng kay BBM?

Kinekwestyon ngayon nang marami kung bakit laging 47% lang ng boto ni presidential frontrunner Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang pumapasok na boto ni opposition candidate at Bise Presidente Leni Robredo.

"Ako naman ay naniniwala sa survey, pero hindi ko ine-expect na ganito ka-consistent na para bang pare-pareho ang report, na mula alas otso hanggang alas onse ng gabi ay consistent na 47% 'yung lamang lagi ng bawat report doon sa pangalawa," dagdag pa ni De Guzman.

"Parang may dapat ipaliwanag 'yung Comelec diyan kasi parang hindi na papasa sa prinsipyo ng mathematics, ng data o pag-evolve ng mga datos."

Walang pang tugon ang tagapagsalita ni Marcos na si Vic Rodriguez sa panayam ng Philstar.com kaugnay ng naturang isyu.

Comelec: Statistically probable 'yun ha'

Sinagot naman ni Comelec commissioner Marlon Casquejo ang naturang tanong patungkol sa "consistent 47%" na boto, ito habang inililinaw na pwedeng mangyari ito nang walang dayaang nangyayari sa eleksyon.

"Yes it is statistically probable. I am not a statistician, but pwede naman nating makita sa transmission. Hindi naman siya by balwarte or by region 'yung transmission kundi scattered," ani Casquejo habang kinakapanayam kanina ng media.

"So again, if they are not satisfied, we can always look at each certificate of canvass in each province. Makikita naman natin na hindi naman 47% in this province, in this province hindi naman 47%, baka mas mataas pa in this province because balwarte niya roon, tapos dito mababa and then nag-compensate lang 'yung 47%. Ganoon 'yon."

Dagdag pa niya, mas madali itong ipaliwanag kapag nasilip ang resulta ng bawat probinsya para malaman kung laging 47% ang margin.

Kanina lang nang magkasa ng protesta ang ilang supporter ni Robredo at mga militanteng grupo habang idinidiing nagkakaroon ng "lokohan" sa partial and unofficial tally.

Kakaatras lang din si Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso mula sa presidential race kanina, ito habang binabati si Marcos sa kanyang posibleng pagkapanalo.

2022 NATIONAL ELECTIONS

BONGBONG MARCOS

COMMISSION ON ELECTIONS

LENI ROBREDO

LEODY DE GUZMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with