^

Bansa

Munting Diary ni Nanay

Lanie B. Mate - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi ko alam kung uso pa ang pagsusulat ng diary ngayong hi-tech na ang panahon. Pero nasanay akong nagsusulat ng diary mula Grade 3 ako na requirement sa Mababang Paaralan ng Isabelo Delos Reyes sa Tondo, kung saan ako nagtapos ng elementary.

Hanggang ngayon ay nakahihiligan ko pa rin ang magsulat o basahin ang mun­ting diary ko. Natatawa na lang ako sa mga kuwento ko tulad nang manganak ako sa kambal kong anak.

Bale ba, palibhasa ay kambal ang nasa aking sinapupunan, nagtiyaga akong pu­mipila sa PGH dahil poor lang ang Marites na ito, na that time ay 1,800 lang binayad ko kahit CS. Aba, nagpa-check up lang ako na sa  haba ng pila mula 4 a.m hanggang 5 p.m.  ang ipinaghintay ko na mantakin ba naman na lahat ng mga buntis sa araw na ‘yun ay nanganak kasabay ng malakas na buhos ng ulan dahil sa bagyo. Ako pa ang nasa huling pila, pusta ng doktora sa akin na sa tingin pa lang daw niya ay manganganak rin ako. Pagka IE ni dok sa akin, sabi ba naman, “misis nakalabas na po ang isang paa ng anak mo,” kaya pala hindi na ako makalakad. Dinala na agad ko sa room at pinaghubad bago ako ipasok sa deli­very room. Pagpasok, nakahilera ang mga huba­derang buntis sa mesa ng PGH na parang mga baboy na kakatayin. Ang siste ay na-wow mali ang nurse, hindi pa ako ang isasalang ‘yun daw munang patay na kambal ang i-CS. Hindi man lang ako tinakpan ng kumot kaya dedma na pikit-mata na lang ako nung inilabas ako at dinala sa waiting room. Sa tabi ng kama, biglang may babaeng nagsabi sa akin na “buti ka pa, buhay ang kambal mo sa akin patay na.” Hala, kinabahan ako, akala ko sa pelikula lang ang ganung eksena. Tapos inilabas na ‘yung babaeng buntis. Kinausap ko ang mga kambalelong ko at nag-pray kami habang himas ang ­aking tiyan na magkikita na kami pagkaluwal ko sa kanila kahit kaming tatlo lang. Ilang saglit lang ay ako na isinalang, pinilit ko talagang hindi matulog kahit sinaksakan na ako ng anesthesia. Nagpupustahan pa ang mga doktor at nurses staff na parang may sabong kung anong unang gender ng anak ko. Pagkahugot sigaw agad ni Dr. Miguel Poblete “It’s a boy!” sigawan sa ope­rating room. Isinulat agad sa braso ko ang 6:42 p.m. ng anesthesiologist na tanong sa akin kung bakit ako umiiyak sabi niya “tears of joy?” napatango na lang ako sabay sinundan ko ng tingin kung saan dinala ang anak ko baka maipagpalit. Sunod pustahan na naman sila kung girl or boy? Saktong 6:45 p.m. isinulat ulit sa braso ko “it’s a girl!” Lalong lumakas ang sigawan sa delivery room.

Hinaha­nap nila kung sinong mokong na tatay ng kambal ko kung saan ba raw at magpa-cake naman. Sinundan ko uli ng tingin kung saan dinala ang anak kong sina Julia at Julio na uso ang cartoons na palabas nang panahong ‘yun na tinandaan ko ang itsura ng mga babies ko. Dinala ako sa recovery room, wala uling saplot. Nung mawala na ang bisa ng anesthesia sakit na ng tahi ko. Umuungol na ako sa sakit. Nagalit ‘yung nanay ng kambal na patay ang kambal niya. Inaaway at sinisigawan ako na sabi niya “tumigil ka! Buti nga buhay ang kambal mo, ‘yung mga anak ko patay na!” Pumasok ang nurse sabi niya “mind over matter” kapag inisip ko raw na masakit lalong sasakit ang sugat ko. So tiniiis ko na ang sakit na hindi man lang ako hinagisan ng kumot nung nurse hanggang makatulog na lang ako.

Pagkagi­sing ko, dahil hubod’t hubad ako magdamag at napaubo ako dahil sa lamig na ang hinigaan ko ay ‘yung malamig nilang lamesa ng mga pasyente. Nakupo sobrang sakit ng tahi ko kapag napapaubo ako. Pero hindi ko na nakita sa tabi ko ‘yung bitter na nanay.

Hays, ganyan lang talaga ang bawat pahina ng diary ng ating buhay. Tatawanan mo lang sa paglingon sa mga samu’t saring kuwento bilang nanay.

MOTHER'S DAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with