^

Bansa

Panelo: Magkaisa para sa children with disability

Pilipino Star Ngayon
Panelo: Magkaisa para sa children with disability
“Nangako ako sa mga Children with Disability (CWD) at sa kanilang mga pamilya, na manalo man ako o matalo, isusulong ko ang mga batas para tugunan ang kanilang mga pangangailangan. Ito ay adbokasiya ko alang-alang sa yumao kong anak na si Carlo na may Down Syndrome,” ani Panelo.
PCOO

MANILA, Philippines — Nanawagan si PDP Laban Senatorial candidate Salvador “Sal Panalo” Panelo sa mga kapwa kandidato na nangunguna sa mga surveys na magkaisa para magsulong ng mga batas na tutugon sa mga pangangailangan ng mga children with disability (CWDs) sa bansa.

“Nangako ako sa mga Children with Disability (CWD) at sa kanilang mga pamilya, na manalo man ako o matalo, isusulong ko ang mga batas para tugunan ang kanilang mga pangangailangan. Ito ay adbokasiya ko alang-alang sa yumao kong anak na si Carlo na may Down Syndrome,” ani Panelo.

“Kung manalo ako, hindi ko ito magagawa ng ma­­sg-isa. Kung hindi naman ako palarin, kailangang may magsulong nito sa Senado.”

Ang paglaban sa karapatan ng mga CWDs at pamilya ng mga ito ang pangunahing plataporma ni Panelo sa kaniyang kampanya. Kasama sa mga panukala ni Panelo ang pagbigay ng libre at kalidad na special education at therapy para sa mga CWDs, at pagtayo ng nur­sing home para sa naulila o naabandonang CWD.

Diin ni Panelo na napapanahon na upang kumilos ang gobyerno para sa kapakanan ng tinatayang 5.1 milyong CWD sa bansa at sa kanilang pamilya. Kailangan aniya silang bigyan ng prayoridad dahil matagal na silang napabayaan ng mga pamahalaang nagdaan.

SAL PANELO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with