^

Bansa

Comelec kakasuhan 5 katao sa 'fake news' na dinadaya na eleksyon

James Relativo - Philstar.com
Comelec kakasuhan 5 katao sa 'fake news' na dinadaya na eleksyon
A woman fills up a sample ballot in a mock voting exercise held by the local government ahead of the country's 2022 national elections, at a school in Manila on October 23, 2021.
AFP/Jam Sta. Rosa, File

MANILA, Philippines — Naghahanda na ang Commission on Elections (Comelec) laban sa limang indibidwal na nagpapakalat daw ng maling impormasyon ngayong halalan na siyang nakakaapekto sa integridad at kredibilidad ng eleksyong 2022.

Ito ang ibinahagi ni Comelec commissioner George Garcia, Miyerkules, sa "Kapihan sa Manila Bay" kaugnay ng sari-saring akusasyon na dadayain o dinadaya ang eleksyon kahit na "wala naman" daw batayan at pormal na mga reklamo.

"Noong last week po nag-refer na ako sa [National Bureau of Investigation] ng limang instances sa social media na talaga namang ina-undermine ang credibility, integrity ng ating electoral process and electoral system," wika ni Garcia kanina.

"Asahan niyo po, in the next succeeding days, even after the election, we will be filing cases against these individuals simply because mali po 'yung ginagawa nila."

 

 

Ilan daw dito ay ang ilang paskil sa social media patungkol sa mga diumano'y balotang pre-shaded na, o 'di kaya'y ang balitang mababalewala na ang mangyayaring halalan sa ika-9 ng Mayo dahil "may panalo" na raw.

Kasama na rin sa mga sinasabing disinformation ay ang balitang may ilang balota sa New Zealand kung saan hindi raw nakaimprenta ang pangalan ni Bise Presidente Leni Robredo sa pagkapangulo.

Marami sa mga inirereklamong akusasyon ng Comelec ay puros ginawa raw sa ibang bansa, kung saan nagkaroon na ng overseas absentee voting ang ilang Pilipino.

"Fake news, pakiiwasan po 'yan. Kaso po 'yan. [Republic Act] 10175, Anti-Cybercrime Prevention [Act]. At the same time, ang Omnibus Election Code ay nagsasabi rin na pwedeng makulong ng one to six years imprisonment 'yung nagpapakalat ng disinformation sa ating mga botante," patuloy pa ni Garcia.

"'Yun nga pong nangyari na sinabi na nawala po 'yung pangalan ng isang kandidato [sa New Zealand]. Pagkatapos after several minutes, tinanggal. What's your intention? What's your purpose?"

"'Wag po tayong mag-aalala dahil anytime kapag nag-file kami ng kaso, anytime na bumalik dito sila sa Pilipinas, pwede naman naming i-serve kung may warrant of arrest na ise-serve ang aming mga korte."

Tiniyak naman ng komisyon na hindi nila target ang mga taong nais lang magbato ng kritisismo't komentaryo tungkol sa mga "kapalpakan" ng Comelec lalo na't parte ito ng demokrasya ng Pilipinas at hindi naman daw sila balat-sibuyas.

Sinasabi ito ni Garcia halos dalawang linggo matapos banggitin ni Comelec commissioner Rey Bulay na hindi siya magdadalawang-isip tawagin ang Armed Forces of the Philppines para ipakulong ang mga nagsasabing may kinakampihan ang komisyon at may plano raw mandaya.

2022 NATIONAL ELECTIONS

COMMISSION ON ELECTIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with