^

Bansa

DepEd dismayado: Private schools na face-to-face na nasa 5.47% pa lang

James Relativo - Philstar.com
DepEd dismayado: Private schools na face-to-face na nasa 5.47% pa lang
Students attend the first day of the pilot in-person classes at the Cabagdalan Elementary School in Balamban, Cebu.
The FREEMAN/Aldo Banaynal, File

MANILA, Philippines — Ikinabahala ng Department of Education (DepEd) ang kakarampot pa ring bilang ng mga pribadong paaralang nagsasagawa ng face-to-face classes sa ngayon — ito habang ipinaaalalang sila rin mismo ang humihiling nito noon.

Nasa 676 pa lang kasi sa 16,000 pribadong eskwela ang naglulunsad ng harapang mga klase sa ngayon sa kabila ng pagbaba ng COVID-19 cases at restrictions sa Pilipinas, ayon kay Education Secretary Leonor Briones sa taped briefing ni Pangulong Rodrigo Duterte, Martes.

"The challenge is 'yung private schools kasi, out of 16,000 private schools, we only  have 676 doing face-to-face, in spite of the fact that they were quite active in demanding face-to-face," wika ni Briones.

"Ang private schools, decision nila 'yun and so we are now aggressively endeavoring to convince them to open at this time."

Malayo ito sa 25,668 pampublikong paaralan sa bansa na bumalik na sa in-person learning sa gitna ng pababang bilang ng COVID-19 cases. Kumakatawan na 'yan sa 56.89% ng kabuuang bilang ng mga paaralan ng gobyerno sa ngayon.

Inaasahan sa ngayon ng DepEd ang pagbabalik ng 5.94 milyong public school students mula sa lahat ng baitang na bumalik sa face-to-face classes.

Ang bilang na 'yan ay 25.61% ng 23.23 milyong total enrollees sa pampublikong sektor para sa pangkasalukuyang academic year.

Kung susumahin, nasa 6.17 milyong estudyante sa 26,344 eskwelahan ang harapan na ang mga klase sa ngayon.

"There is some resistance from private schools to do face-to-face classes. Some parents in the private schools seem to be quite apprehensive about letting their children go back to school, which of course is the right of every parent," wika naman ni  presidential adviser for COVID-19 response Vince Dizon matapos makipagkonsultasyon sa mga pribadong paaralan.

Sa parehong briefing, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na nais nilang gawing available ang COVID-19 vaccines para sa mga batang edad lima hanggang 11 sa mga eskwelahan kasabay ng pagbubukas ng pintuan ng mga ito para sa mga bata.

Ayon kay Dizon, nasa 10 milyong doses pa ang nalalabing COVID-19 vaccine doses para sa pediatric population, bagay na maaaring ikalat na raw sa mga paaralan.

DEPARTMENT OF EDUCATION

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

PRIVATE SCHOOLS

PUBLIC SCHOOLS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with