Duterte, kinilala ang tagumpay ng mga manggagawang Pinoy
MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkilala sa mga manggagawa sa Araw ng Paggawa kahapon, Mayo 1.
Sinabi ni Duterte sa kanyang mensahe, na ang mga mamamayang Filipino ay kilala sa buong bansa para sa “great passion, integrity at professionalism” na ipinakikita ng mga ito sa lahat ng kanilang ginagawa.
“We extend a special recognition of the low-wage earner who gets by, as well as our medical frontliners and other essential workers who we now realize impact our lives significantly during this pandemic,” ayon pa sa pangulo.
Ang mga katangian umanong ito ay hindi lamang nakapagbibigay ng “economic gains” sa bansa kundi “source of immense pride” at nagbibigay ng lakas at pag-asa sa mga mamamayang Pilipino.
Ang kasalukuyang administrasyon ayon sa Chief Executive bagama’t nalalapit na ang pagtatapos ay dapat na manatiling committed na magbigay sa mga tao ng oportunidad na kailangan ng mga ito upang mapagtanto ang kanilang full potential.
“It is my hope that this day recharges everyone as you continue to work for yourselves, your families and our nation,” dagdag na pahayag ni Pangulong Duterte sabay sabing “Mabuhay ang manggagawang Pilipino,” pahayag pa ng Pangulo.
- Latest