^

Bansa

BBM umaasang ieendorso ni Duterte bago May 9 polls

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
BBM umaasang ieendorso ni Duterte bago May 9 polls
This undated handout photo shows President Rodrigo Duterte and former Sen. Bongbong Marcos.
Former Sen. Bongbong Marcos / Release

MANILA, Philippines — Umaasa si presidential frontrunner Ferdinand “Bongbong “ Marcos Jr. na pormal siyang ieendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte bago ang Mayo 9, 2022 national election.

Ito’y sa kabila ng 10 araw na lamang at gaganapin na ang pinakaaabangang pambansang halalan sa bansa.

Bagaman inendorso na si Marcos ng PDP-Laban sa ilalim ng paksiyon ni Energy Sec. Alfonso Cusi, wala pang pormal na inihahayag ang Pangulo kung sino ang kaniyang presidential candidate.

Ayon kay Marcos, ang basbas ni Pangulong Duterte ay magbebenepisyo sa kaniyang kandidatura dahil malaki ang tiwala ng publiko sa administrasyon nito.

“We’re crossing our fingers that he will endorse but if not, I certainly understand. I think he has done everything for us, except actually endorsing us,” pag-amin ni Marcos.

Sa kabila nito ayon kay Marcos, ang pag-endorso sa kaniya ng PDP-Laban Cusi faction ay itinuturing na rin niyang parang pag-endorso na rin sa kaniya ng Pangulo.

“So para sa akin tacit endorsement na yun,” pahayag ni Marcos matapos naman pahintulutan ni Pangulong Duterte, chairman ng PDP-Laban, na eendorso ng kaniyang partido ang anak na si vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte.

 

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with