Trillanes parte na ng ‘Gwapinks’

MANILA, Philippines — Certified “Gwapink” na si senatorial bet Antonio “Sonny” Trillanes matapos tanggapin ang karangalang maging miyembro ng “Mga Gwapo for Leni.”

Kahit sa tingin niya’y hindi siya karapat-dapat ma­ging miyembro ng grupong sumusuporta sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo bilang pangulo, sinabi ni Trillanes sa Twitter na tinatanggap niya ang karangalan dahil ito’y aprubado ng aktor na si actor Edu Manzano.

Kasabay nito, nanawagan ang dating senador sa mga miyembro ng grupo na gamitin ang kanilang kapogian para makakuha ng mas maraming botante para kay Robredo.

Kamakailan, inilagay ng “Gwapo for Leni” si Manzano bilang probationary chairman. Kabilang sa mga miyembro ng grupo ang aktor na si Robi Domingo at Quezon City Rep. Kit Belmonte.

 

Show comments