^

Bansa

Makabayan inendorso 10 pang Senate bets 'para sa makabayang pagbabago'

James Relativo - Philstar.com

MANILA, Philippines — Inanunsyo na ng militanteng Koalisyong Makabayan ang kanilang pag-endorso sa kandidatura ng 10 pang senatorial candidates — bagay na isasama sa pinatatakbong human rights lawyer na si Neri Colmenares at labor leader Elmer "Ka Bong" Labog.

Inihayag ng Makabayan ang kanilang buong slate, Martes, pitong buwan matapos unang iendorso ang Bayan Muna party-list national chairperson na si Colmenares at Kilusang Mayo Uno national chairperson na si Labog.

Kasama sa 10 sina:

  • Teddy Baguilat
     
  • Jejomar Binay
     
  • Leila De Lima
     
  • Chel Diokno
     
  • Chiz Escudero
     
  • Luke Espiritu
     
  • Risa Hontiveros
     
  • Alex Lacson
     
  • Loren Legarda
     
  • Sonny Matula

"Makikita na sila ay nangagaling sa iba't ibang hanay. May mga mula sa 1Sambayan, independents, at sa hanay ng mga manggagawa," wika Makabayan kanina.

"Magiging kaalyado sila ng mga kandidatong senador ng Makabayan, sina Neri Colmenares at Elmer Labog, at mga progresibong party list sa pakikipaglaban para sa karapatan at kabuhayan ng mamamayan at para sa demokrasya at kasarinlan."

Aniya, kailangan ang naturang 10 para magpatingkad at magpalawak ng oposisyon para sa "makabayang pagbabago."

 

 

Track record ng kooperasyon sa Makabayan

Inihayag ng grupo ang kanilang suporta sa kanila dahil sa kasaysaya nila ng pakikipagtulungan sa Makabayan sa mga isyu gaya ng:

  • pagtataguyod ng repormang sosyo-ekonomiko, pulitikal para lutasin ang ugat ng digmaan
     
  • pagtataguyod ng peace talks
     
  • pagtindig sa karapatang pantao
     
  • pag-amyenda sa Anti-Terror Law
     
  • pagtigil sa red-tagging at pampulitikang panunupil
     
  • paggigiit ng pambansang interes at soberanya laban sa dayuhang mapang-api

Una nang inendorso ng Makabayan ang broad opposition candidate na si Bise Presidente Leni Robredo, na siyang nakikitang may pinakamalaking tiyansang hamunin ang pangunguna ni Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa mga survey.

Nagsama-sama kahit magkakatunggali noon

Nakakatuwang ng Makabayan ang 10 sa mga nabanggit na isyu kahit na historically ay nagkaroon sila ng kiskisan pagdating sa sari-saring isyu lalo na noon. Karamihan, kung hindi lahat sa kanila, ay nagkakaisa ngayon dahil kritikal sa pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kilalang kritikal ang Makabayan sa Liberal Party (na kinabibilangan nina Baguilat, De Lima) dahil sa pagsuporta sa mga polisiya ng dating Pangulong Beningo "Noynoy" Aquino III. Si Risa Hontiveros, na bahagi ng repormistang Akbayan party-list, ay inalyado rin ang LP at ni Aquino.

Sina Hontiveros at Espiritu ay nanggaling din sa ibang bloke ng Kaliwa (social democrats at Bukluran ng Manggagawang Pilipino) na nakakabangga noon ng Makabayan at pambansa-demokratikong Kaliwa dahil sa ibang suri sa lipunan at ibang pamamaraan sa pagkamit ng sosyalismo. Si Espiritu ay senatorial candidate 

Bagama't kontrobersyal na bise presidente noon si Binay dahil sa kanilang political dynasty sa Makati at pagkakadawit dati sa isyu ng korapsyon, itinayo ni Binay ang Movement of Attorneys for Brotherhood, Integrity, and Nationalism (MABINI) kasama ang ibang human rights lawyers noong diktadura ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. — na tatay ni Bongbong.

Kahit nasa Senate slate ni Bongbong, dati nang inendorso ng Makabayan Coalition si Legarda dahil sa "magkakaparehong adbokasiya" gaya ng kalikasan, karapatan ng mahihirap, kababaihan, katutubo, atbp.

"Mahalaga ang pagkakaisang ito upang maipanalo ang interes ng mamamayan upang umangat ang kanilang kabuhayan, matigil ang paglabag sa mga karapatang pantao at muling mabuksan ang usapang pangkapayaaan," ayon sa Makabayan.

2022 NATIONAL ELECTIONS

ALEX LACSON

CHEL DIOKNO

CHIZ ESCUDERO

JEJOMAR BINAY

LEILA DE LIMA

LOREN LEGARDA

LUKE ESPIRITU

MAKABAYAN COALITION

RISA HONTIVEROS

SONNY MATULA

TEDDY BAGUILAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with