^

Bansa

Chiz pumangalawa sa bagong DZRH senatorial survey

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Napanatili ni senatorial candidate at kasalukuyang Sorsogon Gov. Chiz Escudero ang kanyang pangalawang puwesto sa mga kandidato sa pagka-senador na napupusuan ng mga Pilipino sa pinakabagong pre-election survey na isinagawa ng DZRH kulang tatlong linggo bago ang halalan sa Mayo 9.

Si Escudero ay pinili ng 44.16% ng 7,560 respondents na kabilang sa MB-DZRH Pre-election Survey.

Gustong-gusto ring manalo ng mga estudyante ang dating senador para sa karera sa Senado na makikita naman sa mga resulta ng mock elections na isinagawa ng hindi bababa 36 kolehiyo at unibersidad sa buong bansa. Si Escudero ay top choice din ng mga mag-aaral at tauhan ng mga eskuwelahan na respondents sa isang ­opinion poll na isinagawa ng Catholic Educational Association of the Philippines na kinabibilangan ng 1,525 paaralan.

Sinabi ng beteranong mambabatas na kapag nanalo siya uli para sa Senado ay kanyang isasaprayoridad ang paggawa ng mga batas para maging mas maagap ang pagtugon ng bansa sa pandemya, palalakasin ang mga lokal na pamahalaan, at sisiguruhin ang masinop na paggamit sa pondo ng taong-bayan upang makatulong sa pagbangon ng ekonomiya na pinadapa ng pandemya.

CHIZ ESCUDERO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with