^

Bansa

Ika-2 COVID-19 booster dose ituturok na simula ika-25 ng Abril — DOH

James Relativo - Philstar.com
Ika-2 COVID-19 booster dose ituturok na simula ika-25 ng Abril — DOH
A medical worker prepares a BioNtech-Pfizer Covid-19 coronavirus vaccine at a colisium in Makati City, suburban Manila on November 29.
AFP / Ted Aljibe, File

MANILA, Philippines — Sisimulan na ang ang pagbibigay ng ikalawang dose ng COVID-19 booster dose para sa mga immunocompromised simula Lunes, pagkukumpirma ng Department of Health (DOH).

Biyernes nang ibahagi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang balita matapos unang aprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ngayong buwan para sa mga nakatatanda, may karamdaman at health workers.

"Sa Lunes, April 25, 2022, magtuturok na po tayo ng second booster dose shots para sa mga 18-years old and above na immunocompromised," ani Vergeire sa isang media forum kanina.

"Nationwide po ang ating rollout na nakadepende sa kahandaan ng kani-kanilang mga lokal na pamahalaan."

Una nang tinukoy sa Laging Handa briefing ni Health Secretary Francisco Duque III na kasama sa mga immunocompromised na uunahing bigyan ng ikalawang booster shots ang mga:

  • nakakuha ng organ transplant
  • mga umiinom ng gamot para sa kanilang immunosuppressives
  • pasyenteng may cancer
  • HIV/AIDs patients
  • taong may primary immunodeficiencies
  • mga may kahinaan sa immune system

Ani Duque, lalabas naman daw ang mga detalye sa binubuong implementing guidelines. Hindi pa kasama ang mga senior citizens at healthcare workers sa mga bibigyan sa Lunes, ayon sa rekomendasyon ng Health Technology Assessment Council.

Ilan sa mga aprubadong vaccine brands na pwedeng ibigay bilang second booster doses ang:

  • AstraZeneca
  • Moderna
  • Pfizer
  • Sinopharm
  • Sinovac 

"Para po sa ating mga immunocompromised adults, maaari na po kayong makatanggap ng inyong second booster shot makalipas ang tatlong buwan ng inyong unang booster shot," wika pa ni Vergeire kanina.

"Humihina po ang bisa ng ating mga bakuna makalipas ang panahon kaya naman booster shots are very important... Kaya get your boosters, get your first and second booster para manatiling protektado sa COVID-19."

As of April 21, 2022, 74.8% na ng target (67.3 milyon) ang itinuturing na fully-vaccinated laban sa COVID-19.

Sa kabila nito, tinatayang nasa 49.07% pa lang ng mga healthcare workers sa ngayon ang nabibigyan ng kanilang unang COVID-19 booster doses.

Kanina lang nang ipunto ng infectious diseases expert na si Dra. Anna Ong-Lim na isa sa mga nakikitang dahilan ng pagbaba ng kumukuha ng booster doses ay ang pagkakampante ng publiko dahil sa pagbaba ng mga naiuulat na kaso ng COVID-19 nitong mga nakaraan.

BOOSTER SHOT

COVID-19 VACCINES

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with