^

Bansa

'Tutal absent lagi si BBM': Lacson-Sotto at Pacquiao baka wala sa last Comelec debate

Philstar.com
'Tutal absent lagi si BBM': Lacson-Sotto at Pacquiao baka wala sa last Comelec debate
Litrato nina presidential at vice presidential candidates Sen. Panfilo Lacson (kaliwa) at Senate President Tito Sotto (gitna) sa Antipolo, ika-22 ng Abril, 2022 at presidential candidate Sen. Manny Pacquiao at Ilocos, ika-21 ng Abril, 2022
News5/Maeanne Los Banos; Mula sa Facebook page ni Manny Pacquiao

MANILA, Philippines — Pinag-iisipan ng kampo nina presidential candidates Sen. Panfilo Lacson at Sen. Manny Pacquiao na hindi dumalo sa huling debateng ihahanda ng Commission on Elections (Comelec) — tutal, lagi naman daw lumiliban ang ibang kandidato gaya ni Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

Ito ang sabi nila, Biyernes, matapos ianunsyo ng poll body na ipo-postpone nila ang debates patungong ika-30 ng Abril at ika-1 ng Mayo matapos magkaproblema ang partner nilang Vote Pilipinas sa pagbabayad ng P14 milyon sa Sofitel Hotel. 

"In all likelihood, baka i-skip na namin debates pagka ganyan," wika ni Lacson kanina sa kanilang courtesy visit kay Jun Ynares na ngayo'y tumatakbo sa pagkaalkalde ng Antipolo City.

Banggit nila, ang hirap ng ganitong papalit-palit na schedule dahil may mga naplano na raw silang ibang gawin kaugnay ng pangangampanya sa mga nabanggit na petsa.

Bago postponement na nangyari, nakatakda sanang mangyari ang ikatlong presidential at ikalawang VP debates sa ika-23 at ika-24 ng Abril.

"We are seriously considering skipping the debate. I cannot just move my schedules like that nang madali eh. Napakarami na namin na 29, 30 and going into the last week of the campaign," banggit naman ni vice presidential candidate at Senate President Vicente "Tito" Sotto III kanina.

"Hayaan mo na. Tutal 'di naman umaattend ang [ibang kandidato]. Hayaan mo na sila."

Pacquiao: Pupunta ako, basta nandoon si Bongbong

Ayon naman kay Pacquiao, dadalo lang daw siya sa Comelec presidential town hall forum kung gagawin din ito ni Bongbong.

Marso lang nang hamunin ni "Pacman," na isang eight-division world champion sa boxing, si Marcos ng one-on-one na debate.

Matatandaang hindi dinaluhan ni Bongbong ang una't ikalawang presidential debates ng Comelec. Lagi ring absent ang VP running mate niya na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Maliban pa riyan, absent din siya sa presidential forum at debates ng GMA News, Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas at CNN Philippines. 

Tanging ang debate lang ng SMNI News, na pinatatakbo ng wanted na si Pastor Apollo Quiboloy, ang dinaluhan ni Bongbong. Pumunta siya sa debate matapos siyang iendorso ni Quiboloy sa pagkapresidente.

Madalas idahilan ng kampo ni Bongbong ang pagkakaroon ng "conflict" sa schedule o pagiging "biased" daw ng mga hosts kung bakit hindi nagpupunta sa mga debate o presidential forums. — may mga ulat mula kina Angelica Yang, News5 at BusinessWorld

2022 NATIONAL ELECTIONS

BONGBONG MARCOS

COMMISSION ON ELECTIONS

DEBATE

MANNY PACQUIAO

PANFILO LACSON

TITO SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with