‘Show of force’ ng BBM-Sara, Robredo-Kiko ikinasa

MANILA, Philippines — Magkakaalaman bukas kung sino kina Vice President Leni Robredo at dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang may mas malaking hatak sa tao sa nakatakdang ‘showdown’ ng dalawa sa kani-kanilang ‘political rally’ na sabay na gaganapin sa magkapitbahay na siyudad ng Maynila at Pasay sa Sabado.

Nakatakdang magsagawa ng kanilang ‘grand rally’ sina Marcos at ka-tandem na si Davao City Mayor Sara Duterte sa may Earnshaw Street sa Sampaloc, Maynila.

Kasabay ito ng rally rin nina Robredo at Sen. Francis Pangilinan na ikakasa naman sa Macapagal Avenue sa Pasay City.

Nilinaw ni Atty. Vic Rod­riguez, tagapagsalita ni Marcos, na wala silang naka-iskedyul na aktibidad sa ASEAN ground sa Parañaque City o sa Mall of Asia sa Pasay City, na nakasaad sa ibang naglalabasan na impormasyon.

“We have never sche­duled a rally on that day and in that vicinity. We shall be in the City of Manila on Saturday to be joined by our local allies led by Alex Lopez,” saad ni Rodriguez.

Sa mga tumatakbo sa pagka-Pangulo sa Mayo 9, ang dalawang kampo ang naglalaban sa pinakamaraming dumadalo sa kanilang mga political events.

Ipinagmalaki ng kampo ni Robredo na umabot sa 220,000 ang dumalo sa kanilang political rally sa Pampanga, habang nasa 300,000 indibidwal naman ang estimate na crowd sa Uniteam rally sa Cebu nitong nakaraang Lunes.

Show comments