^

Bansa

Gonzales nag-sorry sa 'Leni withdraw' call ni Domagoso, pero nang-red tag uli

James Relativo - Philstar.com
Gonzales nag-sorry sa 'Leni withdraw' call ni Domagoso, pero nang-red tag uli
Presidential candidates Manila City Mayor Francisco Domagoso, known by his screen name Isko Moreno, former defence secretary Norberto Gonzales, and senator Panfilo Lacson hold a press conference at the Manila Peninsula Hotel in Makati City on April 17, 2022.
AFP/Maria Tan

MANILA, Philippines — Humingi ng tawad si 2022 presidential candidate Norberto Gonzales sa katunggaling si Bise Presidente Leni Robredo matapos paatrasin ni Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso ang ikalawa sa joint press conference na dinaluhan ng nauna at huli.

Linggo nang magsama sa iisang press conference ang magkakaribal sa posisyong sina Gonzales, Domagoso at Sen. Panfilo Lacson para kastiguhin ang "pagpapaatras" daw sa kanila ng kampo ni Robredo. Kaso, bigla na lang nanawagan si Isko na mag-withdraw na lang sa presidential race si VP Leni. Dumistansya sa panawagang ito si Lacson.

"If you meet the vice president, tell her I’m sorry. Yes, I'm apologizing to her because what we need is something better after the elections," wika ni Gonzales sa panayam ng ANC, Martes.

"I wasn't comfortable there [Mayor Isko's call for Robredo to withdraw]. Wala ['yun] sa usapan... Oh yes, you can say that. And I have said that to friends."

Sa naturang pulong, matatandaang inilutang ni Gonzales ang ideyang dapat "isantabi ang Number Two" sa pre-election surveys, na tumutukoy kay Robredo, at sa halip piliin sa eleksyon ang iba pang mga kandidatong nahuhuli laban sa front runner na si Ferdinand "Bongbong" Marcos.

Lunes lang nang sabihin ni Robredo na itutuloy niya ang pangangampanya sa pagkapangulo kahit na pinaaatras siya ni Mayor Isko.

"There was no intention on asking the vice president to withdraw. I think Mayor Isko may have been caried away in the heat of the question and answer [portion]. There was no agreement whatsoever that we will ask anyone to withdraw," dagdag pa ni Gonzales.

"I was actually addressing the public. The distance [in the] survey between one [Marcos] and two [Robredo] is quite big. In a contest like this, siyempre ang tinitignan mo na lang sa contest 'yung number one and two. Nawawala na 'yung three, four, five, six."

"Ipakita natin sa tao na hindi lang number two [ang pwedeng alternatiba]."

Inilinaw din niyang pagkakaisa raw sa pagitan ng presidentiables ang layunin ng naturang press conference sa Manila Peninsula, habang ibinubukas ang daan para magkasama sila sa trabaho oras na matapos ang kampanya.

'Masyadong bukas sa komunista'

Sa kabila nito, binatikos ng dating kalihim ng Department of National Defense si Robredo dahil sa masyadong "pagbubukas" ng kooperasyon dahilan daw para maging kaaya-aya ito sa mga komunista.

"I see some negativity in the very open approach of the vice president. Masyadong open eh. To the point na pati 'yung mga Reds, I'm very sorry to say this because I don't want to do any red tagging or anything, attracted 'yun kay vice president kasi bukas na bukas 'yung pinto niya eh," banggit pa niya, kahit na walang ineendorsong kandidato sa pagkapangulo ang Communist Party of the Philippines-New People's Army.

"I’m not red tagging. All I’m saying is, all kinds of people will be there kasi binuksan mo ang pinto mo eh. I don't know if they have a screening procedure or not."

Bagama't magkahalintulad sa maraming prinsipyo ang ligal na mga aktibista gaya ng Makabayan bloc, wala silang armas at lumalahok sila sa eleksyon. Una nang inendorso ng Makabayan si Robredo. Hindi rin iligal maging kasapi ng CPP sa ilalim ng Republic Act 7636.

Matatandaang iniugnay din ni Lacson ang naglalakihang campaign rallies ni Robredo sa CPP-NPA, pero itinangging nanre-red tag siya

“Hindi ko masasabi na walang communist element sa grupo ni vice president. I can say, yeah, there are, there are," wika ni Gonzales sa hiwalay na press conference noong Linggo.

Una nang pinabulaanan ni Robredo na nakikipagtulungan siya sa mga armadong rebelde. Handa naman daw ang kanilang kampo at mga volunteer lawyers na tumulong oras na i-red tag at iharas ang kanilang mga tagasuporta.

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

ISKO MORENO

LENI ROBREDO

NEW PEOPLE'S ARMY

NORBERTO GONZALES

PANFILO LACSON

RED TAGGING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with