^

Bansa

‘House-to-house’ na kampanya ng Robredo volunteers, tunay na mukha ng pagkakaisa

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang “house-to-house/person-to-person” na pa­ngangampanya ng mga taga-suporta ng tamba­lang Robredo-Pangilinan ay ang “tunay na mukha ng pagkakaisa,” ayon kay dating senador Antonio Trillanes.

Aniya, ang umaarangkadang “Pink movement” ay lalong pinatindi ng libu-libong taga-suporta mula sa iba’t ibang antas ng lipunan na boluntaryong lumabas sa kalsada at pumunta sa mga komunidad.

“Ano pa ang mas inspi­ring na larawan kaysa sa mga tao na may iba’t ibang social background pero sabay-sabay nagbabahay-bahay at ‘di alintana ang init at ulan para ikampanya lamang si VP Leni?” ani ni Trillanes, na tumatakbo sa pagka-senador.

Ayon kay Trillanes ang “class divisions” ay natunaw sa lakas ng mensahe ni Robredo ng “love and unity.”

Sinabi niya na ito ay patunay ng abilidad ni Robredo na ilabas ang pinakamabuti at pinakamagaling sa mga Filipino.

Anya, ang mga taga-kampanya ni Robredo sa ibaba ay may kanais-nais na “aura” at may masa­yang disposisyon.

Aniya, isang patunay sa inspirasyon na bigay ni Robredo ang mga artista at singer na gumagawa ng mga libreng kon­syerto. Ito ay hamon, ayon kay Trillanes, para sa mabu­buting “influencers” na lumabas sa kanilang “comfort zones.”

“Hindi nga pumupunta sa grocery, pero para kay VP Leni, tinatagos mga palengke,” dagdag niya.

ANTONIO TRILLANES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with