Signal no. 1 itinaas sa 9 na lugar dahil kay 'Agaton'; bagyo iikot lang sa Samar, Leyte
MANILA, Philippines — Patuloy pa rin ang pananalasa ng Tropical Depression Agaton sa Luzon, Visayas at Mindanao habang mabagal ang pagkilos pasilangan at papalapit ang nagbabadyang Severe Tropical Storm Malakas (int'l name), ayon sa PAGASA, Martes.
Bandang 7 a.m. nang mamataan ng state weather bureau ang bagyo sa kalugaran ng Marabut, Samar.
- Lakas ng hangin: 45 kilometro kada oras malapit sa gitna
- Bugso ng hangin: hanggang 75 kilometro kada oras
- Direksyon: pasilangan
- Bilis: mabagal
"Moderate to heavy with at times intense rains [will be experienced] over Eastern Visayas, Bicol Region, the northern and central portions of Cebu including Bantayan and Camotes Islands, Aklan, Capiz, Iloilo, Antique, Guimaras, and the northern and central portions of Negros Provinces," ayon sa pahayag ng PAGASA kanina.
"Light to moderate with at times heavy rains over MIMAROPA, Dinagat Islands, Zamboanga del Norte, Quezon, and the rest of Visayas."
Kaugnay nito, nakataas pa rin ang Tropica;l Cyclone Wind Signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:
Signal no. 1
- timog bahagi ng Masbate (Dimasalang, Cawayan, Palanas, Placer, Cataingan, Esperanza, Pio V. Corpuz)
- Eastern Samar
- Samar
- Northern Samar
- Biliran
- Leyte
- Southern Leyte
- northeastern portion of Cebu (Daanbantayan, Medellin, City of Bogo, Tabogon, Borbon, Sogod) kasama ang Camotes Island
- Dinagat Islands
Inaasahan ang malalakas na hangin (strong breeze hanggang near gale conditions) sa mga lugar kung saan nakataas ang Wind Signal No. 1. Tinatayang mararamdaman 'yan o nararamdaman na sa susunod na 36 oras.
Samar-Leyte sa susunod na mga oras
Posibleng manatili sa pare-parehong mga lugar ang sama ng panahon hanggang kalahating araw bago pumihit ng ibang direksyon.
"'AGATON' is forecast to continue meandering in the vicinity of Samar-Leyte area within the next 6 to 12 hours before turning more east southeastward towards the Philippine Sea beginning tonight or tomorrow morning," ayon pa sa state meteorologists.
Dahil sa pabagu-bagong nature ng direksyon ng bagyo, pwedeng magbago pa ang track forecast ni "Agaton." Tinatayang hihina rin patungong isang "remnant low" ang tropical depression dahil sa pinagsamang epekto ng land interaction, epekto ng upper-level outflow ni "Malakas" atbp.
Matapos nito, patuloy na gagapang ang nalalabing bakas ni "Agaton" pasilangan hanggang mahalo na sa sirkulasyon ni Malakas.
Patuloy pa ring nasa labas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong "Malakas," na siyang natagpuan sa 1,235 kilometro silangan ng Timog Luzon. Dahil sa eastward shift ni "Malakas," bumaba ang posibilidad na pumasok ito ng PAR.
Tinatayang saglit lang sa loob ng PAR si "Malakas" kung papasok ito at tatawaging "Basyang" kalaunan. Maaaring ganap itong maging typhoon ngayong gabi, ngunit hindi nakikitang makaaapekto nang direkta sa Pilipinas.
- Latest