80% ng boto sa Leyte makukuha ni BBM
MANILA, Philippines — Naniniwala si Governor Leopoldo Dominico Petilla na mananalo sa Leyte si Partido Federal ng Pilipinas standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr dahil tiyak na makakakuha ito ng 70 hanggang 80 porsyento ng boto mula sa kanyang lalawigan.
Ibinahagi ni Petilla na ilang linggo na silang nakikipagkita sa mga residente at mga barangay officials sa iba’t ibang bayan at siyudad upang ipakilala si Marcos.
Pinaalalahan din ni Petilla ang mga taga-suporta ng UniTeam maliban sa pagpapakita ng kanilang suporta kay Marcos ay dapat ipakilala din nila siya sa iba upang mas dumami pa ang susuporta sa kanya.
Aniya ang pinaka-importante sa lahat ay ang pagpunta nila sa mga voting poll upang maiboto si Marcos sa May 9.
Ang iba’t-ibang local government officials sa Leyte, mula sa First District hanggang Fifth District ay inendorso na si Marcos sa ginanap na meet at greet sa mga incumbent at aspirants para sa iba’t ibang position sa ilalim ng PDP-Laban Party kung saan si Governor at Energy Secretary Carlos Jericho ‘Icot’ Petilla ang gubernatorial bet.
Dumalo din sa pagpupulong ang ABC presidents mula sa iba’t-ibang munisipalidad at siyudad.
- Latest