Lahing Magiting

MANILA, Philippines — Hindi dapat malito ang marami sa Araw ng Kagitingan na ina­akala ng iba, na ito rin ang National Heroes’ Day na ipinagdiriwang naman tu­wing huling Lunes sa buwan ng Agosto na pinapara­ngalan ang grupo ng Iyak ng Pugad Lawin mula noong 1896 na bilang pag-aalsa ng Pilipinas laban sa pagsakop ng mga Espanyol sa bansa.

Sa halip, ang pagdiriwang ng ‘Araw ng Ka­g­i­tingan’ ay pagbibigay pugay mula sa mga Pilipinong beteranong sun­dalo na lumaban at namatay sa giyera taong 1942, noong World War II.

Nagsanib-puwersa ang mga Pilipino at Ame­rikanong sundalo nung kasagsagan ng gi­yera mula buwan ng Ene­ro hanggang Abril nang taong 1942.

Nasakop ang Pilipinas mula sa grupo ng mga Hapones na bu­mag­sak nga ang Bataan kung saan naroon ang kuta ng Corregidor.

Bago magbukang-liwayway noong Abril 9, 1942, napilitan si Major General King na isuko ang kanyang mga kawal mula sa Estados Unidos kabilang ang ilang sundalong Pilipino sa kampo ng mga kamay ng Hapon.

Ang isa sa highlight na habang pinaglakad ng mga Hapon ang mga bihag na sun­dalong Pi­lipino at Kano na binan­sagan noon na ‘Bataan Death March’ o ‘Lakad ng Kamatayan’ sapag­kat  halos 20,000 na mga sundalo ang mga nasawi mula sa pagod, gutom, o sa mga kamay ng Hapon mula sa kanilang pag­lalakad.

Dito nakitaan nang pagkakataon at kahinaan ang mga Hapon upang lusubin ang ka­nilang kuta. At sa pahina ng ating kasaysayan ay nagtagumpay nga ang sanib-puwersa ng mga Kano at Pilipino upang magtapos ang ikalawang digmaan.

Mula noon ay idi­neklarang national re­gular holiday ang April 9 na taun-taon ay ginugunita sa bansa, bilang pagpapahalaga sa mga nakilahok na matatapang na­ting Be­teranong sundalo.

Tinawag itong ‘Araw ng Kagitingan,’ sapagkat nagpamalas ng masid­hing katapangan ang ating mga beteranong sundalo sa paglusob sa kampo ng mga Hapon sa pangunguna ng mga Amerikano.

Kaya nga idinekla­rang ‘Araw ng Kagiti­ngan’ ang Abril 9, 1942 dahil sa mata­gumpay na pakikibaka laban sa mga Hapones, na nagbuwisbuhay sa pag­danak ng dugo mula sa ating magigiting na Beteranong sundalo.

  

 

Show comments