MANILA, Philippines — Isinama na ng opposition coalition na 1Sambayan ang aktor at senatorial candidate na si Monsour del Rosario sa kanilang ieendorso para eleksyong 2022.
Ito ang inanunsyo ng grupo nina 1Sambayan convenor at dating Supreme Court Justice Antonio Carpio, Biyernes, sa isang media forum na ikinasa sa Dagupan City, Pangasinan.
Related Stories
During a press briefing here in Dagupan City, opposition coalition 1Sambayan endorses former Makati Rep. Monsour Del Rosario as its 11th candidate for Senate. #BilangPilipino2022 @PhilippineStar @onenewsph pic.twitter.com/H4VRgVvLTv
— Janvic Mateo (@jvrmateo) April 8, 2022
Nananawagan din ngayon ang grupo ng pagkakaisa sa pagitan ng mga kandidato at nagbigay ng mga updates sa diumano'y tax evasion case ng pamilyang Marcos.
Matatandaang dating nasa slate nina presidential at vice presidential candidate na sina Sen. Panfilo Lacson at Senate President Vicente "Tito" Sotto III si Del Rosario bago naglipat na kanyang suporta kay Bise Presidente Leni Robredo.
Si Robredo ang ineendorsong kandidato ng 1Sambayan para sa pagkapresidente.
Ika-28 lang ng Enero nang ihabol bilang senatorial candidate ng naturang koalisyon si Bayan Muna chairperson Neri Colmenares. — may mga ulat mula kay The STAR/Janvic Mateo
Antabayanan ang mga karagdagang detalye sa balitang ito